Barbie Forteza sa ‘magic’ ng loveteam nila ni David Licauco: ‘Hindi kasi kami nagta-try magpakilig’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
David Licauco at Barbie Forteza
SIGURADONG magpapasabog na naman ng matinding kilig at good vibes ang Kapuso tandem na sina Barbie Forteza at David Licauco sa bagong kuwento ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”
In fairness, talagang binigyan agad ng GMA 7 ng follow-up project ang dalawa matapos sumikat ang tambalan nila sa katatapos lamang na “Maria Clara at Ibarra” bilang sina Klay at Fidel o mas kilala ngayon bilang FiLay.
Sa naganap na digital mediacon ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” nitong Martes, March 7, inamin ni David na hindi na siya masyadong nakapagpahinga after ng “Maria Clara at Ibarra” dahil binigyan sila agad ni Barbie ng bagong assignment.
Sey ng Kapuso hunk at tinaguriang Pambansang Ginoo, nakapagpahinga siya nang kaunti pero hindi na siya masyadong hands-on sa kanyang mga naipundar na negosyo.
“To be completely honest I haven’t had the time to visit my restaurants because ‘yung responsibilities ko right now sa showbiz is almost everyday, actually, everyday,” nakangiting pahayag ng aktor.
Dugtong pa ni David, “I’m very, very, grateful for this opportunity na I’m here in this position, kumbaga, busy ka. Although, sometimes it gets tiring, it gets overwhelming.
“You just have to, actually, take a rest siguro, like parang, sit back and think you know I’m grateful. I’m very, very, lucky to be in this position,” aniya pa.
Bibida sina David at Barbie sa “Lady and Luke” episode ng award-winning fantasy ng GMA na “Daig Kayo Ng Lola Ko” na magsisimula na sa March 12.
Sa tanong kung ano naman ang level ng gagawin nilang pagpapakilig ni Barbie sa “DKNLK”, “Ako, as David, tina-try ko, pakonti-konting pa-smile-smile konti. Medyo pa-cute-pa-cute nang konti. Tingnan natin kung magwo-work ‘yun dito.
“It takes two to tango. Actually, hindi lang two kasi depende rin naman sa directing, sa writers kung nakakakilig ‘yung [eksena]. It’s a team effort, so sana kikiligin din ‘yung mga tao,” aniya pa.
Para naman kay Barbie, natural na lumalabas ang chemistry nila ni David sa bawat eksenang ginagawa nila, at yun daw ang “magic” ng kanilang loveteam.
“Isa rin ‘yun sa maganda sa amin ni David, hindi kasi kami nagta-try magpakilig. Parang, like kung ano ‘yung nangyari sa Maria Clara at Ibarra ‘yung ‘Babu’, I mean hindi naman namin inaasahan na it would stick really ‘yung ‘Babu’, parang ano lang siya parang Gen-Z word na kailangan ko i-incorporate sa eksena.
“Pero hindi siya talaga planado na mag-stick ‘di ba! So, I think isa ‘yun sa magic namin dalawa ni David na hindi kami nagta-try,” sabi ng award-winning actress.