Love story nina Lyca Gairanod at Kyle Walle nagsimula sa TikTok: ‘First boyfriend ko po siya tapos LDR pa’

Love story nina Lyca Gairanod at Kyle Walle nagsimula sa TikTok, sino ang unang gumawa ng first move?

Kyle Walle at Lyca Gairanod

KNOWS n’yo ba na nagsimula ang love story ng singer-actress na si Lyca Gairanod at ng kanyang boyfriend na si Kyle Walle sa TikTok?

Yan ang inamin ng dalaga nang magkuwento tungkol sa kanyang dyowa nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

Matatandaang ipinakilala ni Lyca si Kyle sa madlang pipol sa kanyang 18th birthday celebration noong November, 2022 na ginanap sa Cavite.

Ang binata, na isang miyembro ng banda, ang naging escort ng unang “The Voice Kids” champion sa kanyag debut party. One year na silang magkarelasyon ngayon.

Pagbabahagi nga ni Lyca, nagkakilala sila ni Kyle via TikTok, “Hindi niya po ako kilala as an artist.”


Nagpakatotoo naman ang dalaga na siya ang gumawa ng first move nang mag-comment siya sa post ng musician.

“Nakita ko po siya sa TikTok, parang dumaan lang po siya sa FYP ko, alam mo yung mga scroll-scroll lang,” sey ng dalaga. Ang FYP o “For Your Page” ay ang lumalabas na recommended content sa TikTok account ng isang user.

“And then, parang may quotes po siya doon na naiintindihan ko naman po kung bakit, so nag-comment po ako doon na parang sad,” chika pa ni Lyca.

Baka Bet Mo: Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Kasunod nito, may na-receive siyang feedback mula kay Kyle, “Tapos po, mga after two days, nag-scroll-scroll lang ako ulit, tapos parang may nag-DM (direct message) po sa akin na, ‘Hi.’”

After that, nagsimula na nga silang magpalitan ng mensahe hanggang sa lumalim na ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.


Kuwento pa ni Lyca, “Bago daw po siya manligaw, gusto daw po niyang makita ako in person, and then ma-meet yung family ko.”

Unang dyowa ni Lyca si Kyle pero pumayag din daw siya sa long-distance relationship (LDR) matapos magtungo ang binata sa Amerika.

“Parang first experience din po sa akin (LDR) kasi first boyfriend ko po siya. Then, ako rin po nag-promise din ako sa sarili ko na hindi ako mag-aano nang malayo kasi mahirap.

“Pero ngayon, parang natutuwa ako, hanggang sa pauwi na siya, goods kami. Ganoon po,” kuwento ng singer.

Sa Instagram page ni Lyca makikita ang ilang sweet photos nila ni Kyle. Ibig sabihin, nakabalik na sa Pilipinas ang binata at magkasama na sila uli.

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Read more...