Payo ng dating ABS-CBN executive kay Liza Soberano: She should review and reassess before she opens her mouth

Payo ng dating ABS-CBN executive kay Liza Soberano: She should review and reassess before she opens her mouth

HINDI na napigilan ng dating Kapamilya executive na si Ethel Espiritu ang magsalita at magbigay ng payo sa aktres na si Liza Soberano.

Bagamat walang binanggit na pangalan ay halatang ito ay para sa pinakakontrobersyal na celebrity ngayon.

“I think she should review and reassess before she opens her mouth, again. Personal career growth media release gone wrong,” mensahe niya kay Liza.

Pagpapatuloy niya, “Andun yung magandang intention niya where we all agree-right comm plan lang and use of right words. Let’s not be careless lest we be misunderstood.”

Matatandaang buhat nang ilabas ni Liza ang kanyang YouTube vlog ay Bumuhos ang iba’t iban isyu gaya ng tila pagiging ‘ungrateful” nito at diumano’y pagiging “ingrata” sa mga taong tumulong at gumabay sa kanya upang makilala.

At habana tumatagal nga aya parami nang parami ang isyu laban sa dalaga na ang tanging gusto lang ay magkaroon ng kalayaan sa kanyang mga bagay na nais gawin nito sa kanyang kamera.

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Bago pa man ang payo ni Ethel ay marami na rin sa mga netizens ang nagsasabing dopat raw talaga ay kumuha ng sariling writer at PR team ang aktres para magabayan siya sa basât pahayag na sasabihin dito sa publiko.

Dagdag payo pa ng dating ABS-CBN executive kay Liza, “Tsaka ako ito ha. If she really wanted to clear things out- it should not be Bea Alonzo to interview her. It’s not good for both of them-for obvious reason/s we all know. Anyway, I will go back to minding my own business in this showbusiness have a great week ahead! Peace.”

Gaya ng dalaga naging kontrobersyal rin si Bea matapos itong lumipat sa bakod ng Kapuso network noong 2021.

Nilinaw naman ni Ethel na matagal na siyang wala sa ABS-CBN simula pa noong nawalan ito ng prangkisa at maaari rin naman huwag sang-ayunan ang kanyang mga opinyon kol sa isyu ni Liza.

“Regardless of timelines, bottomline na ata nito ay good comm plan strategy. Damage control. Pananaw ko lang po ito. Please don’t get mad, we all want what’s best for her and all of them. Maliit lang industriya na iniikutan namin. We will see each other somehow, somewhere, someday,” huling say ng dating Kapamilya executive ukol sa isyu.

Related Chika:
Sigaw ng netizens kay Liza Soberano: ‘Gayahin mo si Sandara Park, nag-rebrand nang walang eme-eme!’

TV executive hinding-hindi na kukuha ng mga artistang alaga ng kilalang talent manager

Read more...