Pinay teenager na inokray sa ‘luxury’ bag, brand ambassador na ngayon

Pinay teenager na inokray sa 'luxury' bag, brand ambassador na ngayon

UMAAPAW ang blessings ng Pinay teenager na si Zoe Gabriel matapos ang nangyaring pambabatikos sa kanya dahil sa “luxury bag”.

Matatandaang nitong Enero 2023 lang nang mag-viral ang dalaga dahil sa kanyang unboxing ng “luxury bag” na regalo sa kanya ng ama.

May ilan kasi na nagsabing hindi naman daw ito maituturing na luxury dahil sa presyo nito ngunit marami rin ang nagtanggol sa kay Zoe at sinabing may iba’t ibang depinisyon para masabing “luxury” ang isang bagay at hindi lang dahil sa presyo nito.

Matapos ngang mag-viral ay naging sunud-sunod na ang blessing sa dalaga mula mismo sa Charles & Keith na brand ng iniregalong bag sa kanya ng ama pati na rin sa iba pang nakapanood ng TikTok video kung saan napadalhan rin siya ng mga concerned netizens ng mamahaling bags bilang pagsupalpal sa mga bashers.

At ang pinakapasabog na blessing ni Zoe ay ang pagiging newest brand ambassador ng naturang brand.

“Zoe Gabriel, Content Creator and CHARLES & KEITH’s Brand Community Ambassador, with the purple Alia bag,” ayon sa caption sa Instagram post ng brand.

Baka Bet Mo:  Sofia sa paulit-ulit na tanong kung kailan sila pakakasal ni Daniel: ‘Don’t worry, I know that the time will come, I trust God’s plans for us’

Dagdag pa nito, “The launch of this special iteration of the Alia bag is in support of UN Women’s ‘Storytelling for Gender Equality’ programme.”

Ipinost rin ito ni Zoe sa kanyang Instagram ang kanyang mga larawan habang ibinabandera ang hawak na bag.

Sey ni Zoe, “Women are like flowers: our time and needs to grow may not always align, but that is okay.

“We are like fields of poppy and lakes of lotus – diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways.

Dagdag pa niya, “This international women’s day, let us celebrate with compassion. let us celebrate with equality through equity, the way flowers do.”

Bago pa man siya italagang brand ambassador ay nauna nang bigyan si Zoe ng personalized bags ng may-ari ng kumpanya.

Related Chika:
Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’

Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’

Read more...