Robi kilig much sa pagbati ni Maiqui para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz: ‘I’m here for the rest of your life’

Robi kilig much sa pagbati ni Maiqui para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz: 'I’m here for the rest of your life'

Maiqui Pineda at Robi Domingo

NAGING emosyonal ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo nang sorpresahin siya ng mga kasamahan sa “ASAP Natin To” para sa selebrasyon ng kanyang 15th anniversary sa showbiz industry.

Mangiyak-ngiyak ang binata nang mapanood ang video greetings mula sa mga kapamilya at kaibigan na ipinalabas nga sa nasabing Sunday musical show ng ABS-CBN.

Unang nakilala si Robi ng madlang pipol nang maging housemate siya sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” na umere noong 2008 where he finished second behind Big Winner Ejay Falcon.


Isa nga si Ejay sa mga bumati kay Robi last Sunday, “Sobra akong proud dahil sabay tayo nagsimula sa loob ng bahay ni kuya. Ito ko na ngayon, happy 15th anniversary.”

Nagbigay din sa kanya ng mensahe ang mga kaibigang sina Enchong Dee at Sam Concepcion, na nakasama niya noon sa grupong Giggerboys.

“Robi, happy happy anniversary gusto ko lang sabihin sa’yo na I’m so proud of you. To have you as a brother,” pagbati ni Enchong.

Message naman ni Sam sa “The Voice Kids” host, “Tagal mo na dito sa industriya, isa ka ng haligi. I’m very glad to call you a friend. I wish you  15 more successful, fruitful years.”


Nagbigay din ng mensahe ang mga magulang ni Robi para sa kanyang ika-15 anibersaryo sa entertainment industry. Paalala sa kanya ng ina, forever siyang magiging fan ng anak habang pinaalalahanan naman siya ng ama na ipagpatuloy ang pagiging inspirasyon sa mga kabataan.

Baka Bet Mo:  Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

At siyempre, hindi rin nakalimutan ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda ang magpadala ng message para sa kanyang anniversary.

“Hi Robi! Happy 15 years in showbiz. I know I’ve only been in five out of those 15 years but I’m here for the rest of your life. Happy anniversary,” pahayag ni Maiqui.

Narito naman ang reaksyon ng TV host sa lahat ng nakaalala sa panibagong milestone sa kanyang career.

“I am just really grateful and lucky. Napakaswerte ko to be working with the best and the brightest on stage and behind the camera. Maraming maraming salamat.

“I am just so grateful sa lahat ng mga kasama natin dito. Ang sarap magtrabaho kasi I feel at home all the time. Thank you so much,” aniya pa.

Alex 15 years na sa showbiz: Di man tayo kagandahan noon ang importante gumanda na kahit paano

Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain

Read more...