Twice-to-beat puntirya ng Letran vs Perpetual | Bandera

Twice-to-beat puntirya ng Letran vs Perpetual

Mike Lee - October 10, 2013 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Letran vs
Perpetual Help
6 p.m. Lyceum vs
St. Benilde
Team Standings: *San Beda (13-3); *Letran (12-3); *Perpetual (11-5); San Sebastian (9-6); EAC (8-8); JRU (6-9); Arellano (6-9); St. Benilde (5-10); Lyceum (5-10); Mapua (2-14)
* – pasok sa Final Four

PORMAL na okupahan ang twice-to-beat incentive ang gagawin ngayon ng Letran College sa pagharap sa minamalas na University of Perpetual Help System Dalta sa 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang bakbakan at papantay ang tropa ni Letran coach Caloy Garcia sa pahingang San Beda College sa unang puwesto kung manalo sa Perpetual.

Sa ngayon ay mayroong 12-3 baraha ang Knights at libre na rin na ookupahan ng Red Lions ang unang dalawang puwesto dahil hindi na aabot ang Altas sa 13 panalo kung matalo sa larong ito.

Talunan ang Knights ng Altas sa unang pagtutuos, 80-66, pero mataas ang kumpiyansa ng  Letran matapos talunin ang Jose Rizal University (75-50) at College of St. Benilde (95-89).

Sa kabilang banda, ang Altas ay mayroong two-game losing streak, tampok ang 84-61 panghihiya sa kamay ng Lyceum of the Philippines University upang pagdudahan na ang kakayahan ng koponang hawak ni Aric Del Rosario na maging palaban sa titulo.

Tagisan ng Lyceum at St. Benilde ang magaganap sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi at no-bearing game na ito dahil parehong talsik na ang dalawa sa liga sa 5-10 baraha.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending