Elijah Canlas sasabak na rin sa pagkanta; proud boyfriend sa tagumpay ni Miles Ocampo

Elijah Canlas sasabak na rin sa pagkanta; proud boyfriend sa tagumpay ni Miles Ocampo

Elijah Canlas

FEELING blessed and lucky ang award-winning actor na si Elijah Canlas ngayong nasa pangangalaga na siya ng Cornerstone Entertainment na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Excited na ang binata sa gagawin niyang projects sa mga susunod na buwan at taon lalo na ang mga nakatakdang collaboration na inihahanda ng team ni Erickson para sa kanyang showbiz career.

“Cornerstone Entertainment is a prestigious company. It’s an honor to be part of this family. Papasok ako ng bagong chapter in my career…in my very, very young career. I’m not sure what’s gonna happen but I’m sure it will all go up,” ang pahayag ni Elijah.

Isa sa mga nilu-look forward niya siyempre ay ang pagsasama nila uli ng kanyang girlfriend na si Miles Ocampo sa isang project na alaga na rin ngayon ng Cornerstone.


Siya ba ang nag-i-inspire ngayon kay para mas maging magaling na aktres? “I don’t want to take any of that credit because she’s an amazing artist herself. I’m just happy to be part of her journey.”

Maraming nagsasabi na nag-level up na ang akting ni Miles lalo na nang mag-viral ang mga eksena niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

“Nagkaroon na kasi siguro siya ng kabatuhan sa dialogue ng mga projects niya. Lahat ng mga projects na ginagawa namin, we read it together.

“Kapag may mga idea kami sa isa’t isa, we discuss about it. So, finally her talent is being recognized and I couldn’t be more proud of her,” aniya pa.

Kahit nanalo na ng mga acting awards, naniniwala si Elijah na marami pa siyang dapat matutunan at mapatunayan, “Hindi po talaga kasi ganu’n ang tingin sa sarili ko. I believe I still have a lot to learn.


“But I’m grateful for all the directors who trusted me and gave me good projects. Ako po talaga ang type of actor na iniingatan ko ang filmography ko. I’m just blessed to be working with the best of the best,” sabi pa ng binata.

Samantala, super excited na rin daw siyang ma-explore ang pagiging musician, “Some of my songs were supposed to be released last year but it was delayed because people might confuse about my acting career.

“Now we’re ready to release some of my songs. I write and produce my own music. It’s really different and fresh. I explore pop and R&B. But I’m also a big fan of rap music. Iba-ibang genre siya,” sabi pa ng aktor.

Bibida si Elijah sa Philippine adaptation ng South Korean blockbuster movie na “Keys to the Heart” with Zanjoe Marudo, sa direksyon ni Kerwin Go mula sa Reality MM Studios.

Gaganap din siya bilang Paciano sa upcoming historical movie na “GomBurZa” produced by JesCom Philippines.

Erickson Raymundo dedma sa bashers ng mga Cornerstone talents: ‘Paano mo sasagutin ang mga walang mukha?’

Members ng P-Pop group na G22 at VXON sa isang condo building nakatira, posible nga bang ma-in love sa isa’t isa?

Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’

Read more...