Anak ng jeepney driver naglabas ng solusyon sa transport strike: ‘Nananawagan kami ng plano na hindi kami maiiwan’
VIRAL ngayon sa social media ang panawagan ng anak ng isang jeepney driver sa gobyerno na may kaugnayan sa nagaganap na transport strike sa bansa.
In fairness, talagang naipaliwanag ng bagets ang ilang mahahalagang detalye na dapat malaman ng sambayanang Filipino hinggil sa sitwasyon ngayon ng mga tsuper at kung bakit kailangan sila kailangang magsagawa ng malawakang strike.
Naglabas ng video si Hyacenth “Hya” Bendaña sa kanyang mga social media accounts kung saan ipinaliwanag niya nang bonggang-bongga ang kanyang mga punto sa kalagayan ngayon ng mga namamasadang driver.
Base sa isang ulat, napagtapos si Hya ng kanyang amang tsuper na si Renato bilang cum laude sa kursong B.A. Management Economics sa Ateneo de Manila University noong 2019.
Bukod dito naging scholar at presidente rin siya ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng mga Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila.
“Hi mga Marites!
“Ako po si Hya, anak ng jeepney driver na 2-dekadang nagmamaneho at ipapaliwanag ko sa inyo kung bakit may strike at ano ba ang ‘JUST TRANSITION‘.
“Iba-iba man ang grupong pinanggagalingan, iisa po ang tindig ng jeepney drivers natin:
“HINDI PO KAMI TUTOL SA MODERNISASYON, PERO NANANAWAGAN PO KAMI NG PLANO NA HINDI KAMI MAIIWAN,” ang simulang pagbabahagi ni Hya sa kanyang video.
Pagpapatuloy niya, “Una, Humihingi po kami ng STEP BY STEP na suporta para po maayos kaming makasunod sa deadlines ng gobyerno.
“Bawasan mga hadlang na nagpapahirap sa aming sumunod… because again, gusto naming sumunod,” aniya pa.
Nagbahagi rin siya ng kanyang kaalaman tungkol sa mahal na consolidation fees, “For our transport workers to be “
‘consolidated’ as cooperatives, kailangan po meron silang P300k as cooperative fee + P20k sa bawat jeepney unit na sasama sa cooperative.
“If you’re 20 units, that’s already P700k,” dagdag pa niyang pag-aanalisa.
At tungkol naman sa mga government requirements, “Para makapagloan at makapag-apply ng subsidy ang cooperatives sa banko, requirement ng Landbank ang LPTRP na MARAMING LGU ang di pa rin tapos since 2017.
“Nasa gobyerno mismo ang backlog, pero sila ang nagpapadeadline,” aniya.
“Second, just transition also means that the state should answer THEIR SHARE of the costs for modernization. Yung P 1.5 – 2 million jeepney units, halos lahat pinapasa sa drivers.
“Tandaan po natin: ideya to ng gobyerno. Kailangan rin nila magtaya.
“At huli, just transition also means having a plan for workers who will be displaced, lalo na ung mga matatanda.
“What they want is social security. Madami sa kanila, nakaasa sa boundary… pampagamot araw-araw once hindi na nila kayang magmaneho,” lahad pa ni Hya.
Hirit pa ng bagets sa huling bahagi ng video, “These are just some of elements ng makatarungang transition na dasurb ng sektor.
“Our call is really to let us – mga manggagawa sa sektor na pinaka
-maaapektuhan – to co-design the transition plan with the state. Isali nyo po kami,” mariin pa niyang sabi.
LTFRB sa ikakasang transport strike: ‘We are ready…Kayang-kaya namin punan ‘yan’
Angelica sa pagtatapos ng ‘huli’ niyang serye: Masaya, mahirap, nakakapagod, nakakabaliw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.