Wendell game na game pa ring magpa-sexy sa edad na 44; natupad na ang hiling na makatrabaho ang anak sa serye

Wendell game na game pa ring magpa-sexy sa edad na 44; natupad na ang hiling na makatrabaho ang anak sa serye

Saviour Ramos at Wendell Ramos

FEELING blessed and thankful ang Kapuso actor na si Wendell Ramos dahil tinupad ng mga bossing ng GMA 7 ang pangarap niyang makatrabaho ang anak sa isang teleserye.

Magkasama sina Wendell at Saviour Ramos sa bagong afternoon drama series ng Kapuso network na “AraBella” na siyang papalit sa “Unica Hija” ni Kate Valdez simula sa March 6.

Ayon kay Wendell, dream come true para sa kanilang mag-ama ang makagawa ng serye together kaya todo-todo ang pasasalamat niya sa GMA dahil nga pinagsama sila sa “AraBella.”

“We don’t have many scenes together kasi ako, mostly with Camille Prats, at siya naman, with the young stars who play Camille’s daughters, Shayne Sava and Althea Ablan, kasi classmates sila in school,” pahayag ni Wendell sa nakaraang presscon ng “AraBella.”

Sa kuwento ng serye, “I play Gary, may feelings ako for Camille but dalawa kami ni Alfred Vargas na may pagtingin sa kanya. Pero may twist sa pagkatao ni Gary na ikagugulat ng viewers.”


In fairness, isa si Wendell sa mga aktor na hindi nababakante nang matagal sa GMA, “Ako naman, I just accept what GMA gives to me and it’s really a blessing na laging maganda ang projects na ibinibigay nila sa’kin like ‘Onanay’ on primetime, tapos the two seasons of ‘Prima Donnas’ and now, ‘AraBella’.

“God is so good kasi the creative team always gives me a good project,” chika ng aktor.

Ngayong taon ay 44 years old na si Wendell pero mas bata nga siyang tingnan at hanggang ngayon ay hunk na hunk pa rin ang kanyang datingan. Kaya naman ang tanong sa kanya, game pa ba siyang magpa-sexy o magpaka-daring?

“Sexy? Siguro depende sa project. Kung maganda ba talaga ang material. At also, it depends kung kailangan talaga sa eksena at sa magiging pag-uusap namin ng director, okay lang siguro,” tugon ng aktor.

Ano naman ang palagi niyang  advice kay Saviour ngayong artista na rin ang binata? “To take his work seriously and always be professional. Maswerte siya kasi maganda ang management team na napuntahan niya, ang GMA Sparkle, so matutulungan talaga siya.”

Para naman kay Saviour, feel na feel daw niya ang pagiging ama ni Wendell ngayong magkasama sila sa isang project.

“Si Papa, I can feel yung pagkatatay niya rito. Magkasama kami sa tent and I’m very open in sharing my feelings with him.

“Light lang ang scenes namin together. Pero kapag iba ang kaeksena ko, I ask him, Pa, kung ikaw ito, how would you do the scene.


“Nag-i-script reading kami together, ang ganda ng bonding namin. Natutuwa talaga akong lagi ko siyang nakakausap. Nagkakasama na kami, natututo pa ako sa kanya in my role as Ed,” aniya.

Thankful din siya na nakatrabaho niya ang ilan sa magagaling na senior stars sa showbiz industry tulad nina Nova Villa at Ronnie Lazaro.

“I’m very passionate about acting, so I want to learn from the veteran actors na tumagal sa industry. I also always ask our acting coaches para magawa ko ng tama ang acting ko,” sabi pa ni Saviour.

Makaka-loveteam niya rito si Althea Ablan, “It helps na kakilala ko na si Althea even before. Kilala niya kasi ang cousins ko at nagkakasama na kami so it helps para maging comfortable na kami in our scenes together.

“Enjoy rin ako doing this show with the other young stars na sa story, magkaklase kami lahat sa school, sina Shayne Sava and Abdul Rahman, so don’t fail to watch us starting this Monday,” sabi pa ni Saviour Ramos.

Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa ‘Raya Sirena’: Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa

Lolo Narding binigyan ng ‘negosyo package’ ni Wendell Ramos: Mission accomplished!

2 anak ni Wendell Ramos pasok sa Sparkada ng GMA; may 3 payo para tumagal sa showbiz

Read more...