Barbie hindi galing sa rich family: ‘Yung daddy ko po tricycle driver, tapos nanay ko may business na yema at pastillas’

Barbie hindi galing sa rich family: 'Yung daddy ko po tricycle driver, tapos nanay ko may business na yema at pastillas'

Barbie Forteza

NEVER pinilit si Barbie Forteza ng kanyang mga magulang na mag-artista para makatulong noon sa mga gastusin ng kanilang pamilya.

Pumasok daw siya sa mundo ng showbiz dahil talagang gusto niyang maging artista at hindi lang basta sa perang kikitain niya at sa kasikatang kakambal nito.

Inamin ni Barbie na hindi siya galing sa mayamang pamilya, sa katunayan namamasada raw ng tricycle ang tatay niya noon para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

“‘Yung daddy ko nga po tricycle driver dati, ‘yung nanay ko, may family business po kasi kami na yema and pastillas, tapos si mama ‘yung gumagawa ng kahon,” ang pahayag ng Kapuso star sa interview ni Karen Davila na mapapanood sa YouTube vlog nito.


“Pinatigil ko na po ‘yung parents ko na magtrabaho. Nu’ng medyo umokey-okey na po ‘yung income, sabi ko hindi na kailangan kasi kaya ko naman,” sabi ng premyadong aktres.

Kuwento pa ng Kapuso Drama Princess, sa kabila ng uri ng pamumuhay ng kanyang pamilya noon hindi ipinaramdam sa kanya ng mga magulang na kailangang magtrabaho rin siya para magkaroon ng extra income.

“To be completely honest and I am really thankful for my parents for this dahil ginusto kong maging artista, hindi nila sinabi na, ‘Nak mag-artista ka dahil kailangan natin ng pang extra.’

“Never nilang ipinaramdam sa amin ni ate na kailangan naming tumulong sa kanila. Ito gusto ko talaga,” ani Barbie.

Nagsimula rin sa pagiging extra si Barbie at nakagawa ng ilang commercial ads, “Nag-extra po ako sa ‘Lupin’ ni Mr. Richard Gutierrez at nag-audition po ako bilang young Marimar.”

Hindi rin daw naging madali para sa kanya ang maging extra, “‘Yun medyo mahirap po dahil ‘yung time po na ‘yun wala po kaming matinong standby area and hindi mo alam kung kailan ka kukunan.

“Hindi ko naisip na sisikat ako pero natutuwa ako dahil ‘yung very first scene ko as an extra na very good ako ni direk kasi nakaiyak ako!” pagbabahagi pa ng dalaga.


Samantala, grabe ang tinamasang tagumpay ng katatapos lang niyang serye sa GMA 7, ang “Maria Clara at Ibarra.” At kasabay nga nito ang pagsikat nang bonggang-bongga ng loveteam nila ni David Licauco.

“I’ve had so many leading men before pero ‘tong team up ko with David Licauco sa Maria Clara at Ibarra is one of the most successful love teams,” sabi ni Barbie.

Sa tanong kung nagseselos ba ang boyfriend niyang si Jak Roberto kay David, “Hindi naman po, kasi magkaibagan po sila ni David and kami ni David malinaw sa aming dalawa na this is a business partnership.”

Dugtong pang chika ni Barbie, “Nakakatuwa lang din kahit ‘yung mga supporters namin very mature mag-isip, matatalino.

“Wala silang expect from David and I to be more than friends kasi alam nga nila we’re very good friends and we’re really good partners onscreen so okay na sila dun, so laking pasalamat ko rin sa mga supporters namin,” sey pa niya.

Wish din niyang makagawa sana ng pelikula, “Gusto ko po sana ‘yung medyo edgy, ‘yung hindi masyadong predictable ‘yung concept and gusto kong maka-try ng thriller.

“Masaya naman pong gawin ang rom-com ganyan pero napapanood po natin siya sa teleserye so why not kung magbabayad rin naman ang tao, let us make something different,” pagbabahagi pa ni Binibining Klay, ang karakter ni Barbie sa “Maria Clara at Ibarra.”

Tracy Perez napasabak sa ‘extra challenge’ bago naging Miss World PH: As a probinsyana, it’s hard talaga!

Barbie posibleng balikan si Diego; may plano rin kayang sumabak sa politika?

Direk Cathy sa cast ng My Papa Pi: Challenge silang patahimikin, napakaingay kapag nagsama-sama

Read more...