Lolo Narding binigyan ng 'negosyo package' ni Wendell Ramos: Mission accomplished! Bandera

Lolo Narding binigyan ng ‘negosyo package’ ni Wendell Ramos: Mission accomplished!

Reggee Bonoan |January 23,2022
share this

Lolo Narding binigyan ng ‘negosyo package’ ni Wendell Ramos: Mission accomplished!

Reggee Bonoan January 23, 2022 - 06:16 PM

Wendell Ramos at Narding Floro

DAHIL sa kawalan ng pera at hanapbuhay at sa kagustuhang makatulong ni Lolo Narding Floro sa mga kaanak ay naperwisyo pa siya at naaresto nang dahil sa pamimitas ng mangga.

Naging national issue ang pagkakaaresto kay Lolo Narding ng Asingan, Pangasinan matapos umanong manguha ng mangga sa kapitbahay kahit siya pa ang nagtanim bago pinabakuran ng kasalukuyang nakatira roon.

Plano naman daw magbayad ng matanda pero hindi umano ito tinanggap ng nagpakulong. 

To cut the story short ay okay na si Lolo Narding dahil nakalaya na siya sa pamamagitan ng piyansang P6,000 pero tuloy pa rin ang kaso.

Marami na ang nagbigay sa kanya panggastos para may pambili siya ng mga kailangan niya at mga grocery items para sa kanyang pamilya.

Nakuha ni Lolo Narding ang simpatiya ng lahat pati na ng mga taga-showbiz habang kaliwa’t kanan namang pamba-bash ang natanggap ng nagpakulong sa kanya bagay na inalmahan ng kanyang mga anak.

Anyway, hindi na kailangan ni Lolo Narding manguha ng mangga para ibenta dahil binigyan siya mismo ng aktor na si Wendell Ramos ng mga hinog na mangga para maibenta.


Ipinost ni Wendell sa kanyang Instagram account ngayong hapon ang papunta niya sa bahay nina Lolo Narding para ihatid ang pangkabuhayan showcase na pagkakaabalahan ng matanda para may pagkunan ng pang-araw-araw niyang gastusin at pangangailangan kasama na rin para sa pamilyang tinitirhan niya.

May sariling food cart si Lolo Narding na may pangalan pa niya at mga kahon-kahong paninda.

Base sa caption ni Wendell, “Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN , munting mga REGALO at NEGOSYO mula po sa amin ng @ifranchise.bscorp, @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse.

“Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub, kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA unang una sa lahat. 

“At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO.

“Umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong. Sa abot po ng aming makakaya. Maraming Salamat po sa inyong lahat. #togodbetheglory #wendelifrozenmeatproducts #ifranchise #ofwfamily #igivefoundation.”

Wendell Ramos nagpaliwanag sa pa-blind item ni Erik Matti tungkol sa aktor na lumayas sa shooting

Xian Gaza nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga ni Lolo Narding

80 anyos na inaresto ng pulis matapos akusahang nagnakaw ng mangga, nakalaya na

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending