Maegan Aguilar pinagbawalan ang magulang, kamag-anak na hawakan at lapitan ang kanyang bangkay kapag namatay
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Maegan Aguilar
IBA’T IBA ang naging reaksyon ng publiko sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ng singer na si Maegan Aguilar, anak ng OPM legend na si Freddie Aguilar.
Matapos magpositibo sa ilegal na droga, ay binawi na ni Sen. Raffy Tulfo ang pangakong tulong sa kanya, kabilang na ang libreng tirahan sa loob ng isang taon.
Ayon sa senador at TV-radio host, kailangan daw munang magpa-rehab ni Maegan at ayusin ang sarili at patunayang totoong nagbago na siya bago uli siya tulungan.
Sumama ang loob ng anak ni Ka Freddie kay Sen. Raffy at nag-post sa FB ng kanyang nararamdaman sa pagbawi ng dapat sana’y ibibigay sa kanyang mga tulong.
Kasunod nito, naglabas uli siya ng mensahe sa Facebook patungkol sa isa sa mga huling habilin niya sa kanyang pamilya sakaling tuluyan na siyang mawala sa mundo.
Ito ay ang pagbabawal sa kanyang mga magulang, kapatid, at iba pang kapamilya at kamag-anak na lumapit at hawakan ang kanyang labi.
Humuhugot si Maegan sa pagtanggi ng kanyang amang si Ka Freddie na makipag-ayos sa kanya at tulungan ang kanyang pamilya.
Ang kundisyon sa kanya ng ama, kailangan daw muna siyang magbago at tuluyan nang itigil ang pagdodroga.
Naloka naman ang netizens sa bilin ni Maegan na hindi pwedeng makita o malapitan ng kanyang angkan ang bangkay niya kapag siya’y namatay na.
“I am forbidding & removing all legal/illegal authority from my parents, siblings and the rest of my bloodline to go near & touch my corpse just to manipulate my situation to their fucked up advantage all over again.
“Strangers can pick up my body & use my flesh at IPAKAIN ito to poison Freddie Pascual Aguilar & Josephine Ponce Queipo-my biological mother that was included in the drug raid in Forbes Park Makati noon.
“My mom & my brothers are the real SPAWNS IF SATAN involved in SHABU. Look them up,” pahayag ng kontrobersyal na singer.
Karamihan sa mga reaksyon ng netizens ay kumokontra kay Maegan. Marahil ay dala lamang daw ito ng nararamdaman niyang sama ng loob sa mga kanegahang nangyayari sa kanyang buhay.