Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’

BALIK-ESKWELA si Aiko Melendez, konsehala ng 5th District ng Quezon City, at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito base sa mahabang post niya sa kanyang Facebook account.

Bungad ni Konsi Aiko, “Happy Sunday… Today pinili ko muna magpahinga dahil etong mga nakaraang linggo ratsada si ate Aiko Melendez.

“Aiko Melendez QC n’yo nakikita n’yo naman kaliwa at kanan ang mga ganap. Me pinaghahandaan kasi akong presentation sa School kung san ako nag-aaral muli, Philippine Women’s University.

“Opo nilalaanan ko po ng oras ang lahat na ninanais kong gawin at bigyan halaga. Yan ang isang bagay na habang buhay ko na ipapasalamat na natutunan ko sa mundo na kinalakihan ko ang matuto na magbigay halaga sa mga gusto mo gawin na walang pumipigil or nagtutulak kaya cguro marahil sa edad na 47 pinili ko ang mag aral pa din at bigyan ng pansin ang mahalaga sa akin,” mensahe ng aktres.

Nabanggit pa niya na sa pag-uusap nila ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz ay siya pa rin ang may final decision sa mga gustong gawin sa buhay kahit aktibo siya sa showbiz.

“Kasi kahit naman aktibo pa din ako sa pag aartista ko hanggang ngayon lagi kahit I am being managed by Ogie Diaz mag iisang taon na ako sa kanya wala contract verbal/based on trust and me kasamang pagmamahal at di lang pera ang mahalaga.

“Lagi sa huli ng desisiyon ang talent pa din ang masusunod pero me mga bagay na sinuggest si Mader Ogie sa akin na umoo ako kasi tingin ko kaya ko gawin at i-justify ‘yung role at hindi nalang kasi kami sa pera tumitingin kasi modesty aside naman nakuha ko na at narating ‘yung peak ng career ko.

“Hindi lahat naman hanggang ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na umarte pa at mabigyan ng lead roles at supporting roles. Isa ako sa mapalad dahil nagagawa ko ang gusto at mahal ko,” katwiran niya.

Nabanggit din ng premyadong aktres at public servant na marunong siyang lumingon sa pinanggalingan niya kaya marahil isa rin ito sa dahilan kung bakit nag tagal siya sa showbiz at sa muling pagpasok niya sa politika.

Aniya, “Marahil ang dahilan ng longevity ko sa karera ko ay marunong akong tumingin sa kung san ako nagsimula. Kaya nga diba tinaggap ko ang Mano Po 3 dahil produced by Mother Lily at Regal Entertainment.

“Kasi du’n nagsimula ang lahat. Du’n ako nakita ng GMA 7 para ibigay ang Bubble Gang show sa akin na lead kami at hanggang ngayon asa ere pa din sila. Du’n din ako pinagkatiwalaan ng Dick en Carmi para maging isa sa co-host nila ng ABS-CBN.

“Ang punto ko at natutunan sa manager ko na si Tito Douglas Quijano ay be grateful. Don’t burn bridges. Kasi maliit ang mundo ng showbiz para mas paliitin mo pa ito. Ang kaaway mo noon maari maging tulay para mas me magandang oppurtunidad sa’yo sa pag-arte.

“Naniniwala ako sa salitang ‘What comes around goes around.’ Kapag nagtanim ka ng maganda me aanihin ka maganda. At hindi mo puwede solohin ang lahat ng kredito sa sarili mo lang.

“Collaboration of Great minds ang lahat ng karera sa buhay. Kasi sa mundo namin at mag 35-years na ata ako sa showbiz hindi puwede ang talent lang, ang mag-isiip lahat ng career moves eh. Dapat me kaagapay ka na tumtimon sa laban mo,” mahabang pahayag ni Aiko.

At dahil mainit na pinag-uusapan ngayon ang isyung ‘utang na loob at ingrata’ sa apat na sulok ng showbiz ay may payo si Konsi Aiko sa mga artistang nabibilang sa Gen Z at millennials at higit sa lahat, matutong magpasalamat sa media na nakatulong para sila ay mabasa at makilala ng publiko hanggang umabot sa ibang bansa.

“Sa mga baguhan (artista) ngayon ang payo ko lang be humble enough to admit that whatever achievement you have achieved in life is not just about you! It’s about the people around you na me malasakit sa’yo na pagandahin ang karera mo.

“Matuto magpasalamat din sa mga press ako hanggang ngayon marunong akong magpasalamat kapag pinupuri ako ng press, media or ng ordinaryong tao. Kasi ang salitang pasasalamat ay nakaukit ‘yan sa mga taong pinasasalamatan mo ibig sabihin appreciative ka sa efforts nila.

“Kulang ang espasyo ngayon para sa mga nais ko sabihin… Tumingin sa pinanggalingan at ‘wag tatalikod. Maaari gusto mo baguhin ang karera mo sa ano mang paraan mo gusto but you can’t discount the fact na minsan sa buhay mo nakasama mo ang mga taong tumulong s’yo kaya ang simpleng pagpapasalamat sa kanila ay di kalabisan,” paliwanag ng aktres-politiko.

‘Yan si Konsi Aiko Melendez kaya naman hanggang ngayon ay maraming may gustong makatrabaho siya sa showbiz, walang maririnig na iniiwasan siya kasi ganito o ganyan at higit sa lahat, maayos ang pakitungo niya sa press people, vloggers at online writers.

Related chika:

Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…

Read more...