SINAGOT na ng actress-director na si Bela Padilla ang kumakalat na tsismis na tuluyan na niyang iniwan ang Pilipinas.
Sa exclusive interview sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” nilinaw ni Bela na kahit naninirahan na siya sa London ay patuloy pa rin siyang babalik dito sa ating bansa dahil mas gusto pa rin niyang makatrabaho ang kanyang mga kakilala sa entertainment industry.
Ibinalita pa nga niya na nagtayo siya ng sariling film company sa United Kingdom, pero umuuwi pa siya sa Pinas upang makapag-shoot.
“Right now, I’m based in London. I associate myself with living in London. Pero siyempre, dahil isa akong artista, nag-uumpisa na ako ngayon magdirek ng pelikula, I built my own production house. I have a film company in the UK,” chika ng aktres sa King of Talk na si Boy abunda.
Patuloy pa niya, “I still love working with people I know…So yeah, umuuwi ako rito pag kailangan ko mag-shoot ng pelikula.”
Paliwanag pa niya, ang epekto ng pandemya ang dahilan kaya naisipan niyang pumunta sa ibang bansa para makasama ang kanyang pamilya.
Sey ni Bela, “But right now, siguro dahil nag-pandemic Tito Boy. Lahat tayo naghanap ng lugar sa mundo kung saan tayo pinakakumportable, kung saan tayo ‘at home’.”
“And nung pandemic, I didn’t feel that anymore in the Philippines. So, I felt like I have to leave. Parang ‘yun lang. Wala siyang big explanation. Wala siyang big meaning or deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo. Wala. Wala akong pinag-isipan na ganun,” aniya pa.
Matatandaang taong 2021 nang ibinalita ni Bela na siya ay mananatili na muna sa UK.
Paliwanag niya sa dating YouTube vlog, “I didn’t move just to be with Norman although it does make it so much easier to be in London.”
Patuloy pa niyang paglilinaw, “There are many reasons why I moved here. One of them is because I feel like the world stopped during pandemic and I have been looking for something new to do in my life.”
“I feel like at this point, I will be more productive here. It just makes more sense for me to live here,” dagdag paliwanag pa ni Bela.
Samantala, pasok sa first Summer Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Bela na pinamagatang “Yung Libro Sa Napanood Ko.”
Bukod sa siya ang nag-direk at nagsulat ng pelikula, siya rin mismo ang bibida rito kasama ang South Korean actor na si Yoo Min-Gon.
May special appearance din mismo si Tito Boy sa nasabing official entry.
Related chika:
Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?