Dominique Cojuangco nagpakasal na sa non-showbiz partner na si Michael Hearn

IKINASAL na ang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa kanyang non-showbiz partner na si Michael Hearn.

Ito”y base na rin sa mga litrato at video na ipinost kahapon, March 4, sa social media ng ilan sa mga bisita sa naganap na wedding nina Dominique at Michael.

Isa sa mga celebrities na um-attend sa kasal ng anak ni Gretchen ay ang aktres na si Sofia Andres. Base sa nakita naming photos ay isa ang anak niyang si Zoe sa mga nagsilbing flower girls.

Pagkatapos ng wedding ceremony, ginanap naman ang reception sa National Museum of Natural History sa Maynila.

Matatandaang sa isang panayam, nabanggit ni Dominique na nakilala niya si Michael habang nag-aaral sa British School Manila. Wala pa raw siyang naramdaman noon sa guy at hindi niya inakala na magki-click sila.

Ngunit pagsapit ng 2018, doon na raw naiba ang kanyang pagtingin sa kanyang partner. Ito yung araw nang muli silang pagtagpuin ng tadhana sa bar ni Michael.

“It was at that moment that we looked at each other differently and we were shocked to have the same experience,” kuwento ni Dominique.

Sabi naman ni Michael  “It was only on another night when she was at Run Rabbit Run that she came to say goodbye and we ended up meeting in each other’s gaze. In that moment, everything cleared and changed, and I saw her.”

Nag-propose si Michael kay Dominique noong October 2021. Sabi pa ni Dominique sa nasabing panayam, “My parents are in love with Michael and are so happy about our relationship.

“He doesn’t just take great care of me, but of them as well. I don’t know which one of them was more elated, but they both reacted very positively towards the engagement,” aniya pa.

Para naman kay Michael, “Dominique fits right into the Hearn family dynamic, we are very close and enjoy spending time together.

“When I initially asked my parents for their blessing, there was no, ‘Are you sure?,’ more so a ‘What took you so long?’ They both love Dominique,” chika pa ng bagong kasal.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang ipino-post si Gretchen sa kanyang social media accounts tungkol sa kasal ng kanyang anak.

Related chika:

Dominique Cojuangco engaged na sa non-showbiz boyfriend: For Life!

Read more...