Paco Arespacochaga napilitang magkargador at maging tagalinis ng CR sa US: ‘Nilamon ko talaga ang pride ko!’

Paco Arespacochaga napilitang magkargador at tagalinis ng CR sa US: 'Nilamon ko talaga ang pride ko!'

Paco Arespacochaga

KINAILANGANG kainin ng singer-songwriter na si Paco Arespacochaga ang kanyang pride para mabuhay at magkaroon ng pagkakakitaan sa Amerika.

Grabe! Napakatindi rin pala ng hirap at sakripisyong naranasan ng dating member ng bandang Introvoys nang magdesisyon siyang iwan ang career dito sa Pilipinas para tuparin ang kanyang American dream.

Kuwento ni Paco sa panayam ng “Magandang Buhay”, wala raw talaga siyang balak na iwan ang career niya rito sa Pilipinas pero nang magkaroon ng chance para sa isang international career ay sinunggaban na niya agad ito.

Ibinandera na raw niya noon sa publiko na magiging artist na siya ng isang record label sa US ngunit hindi nga ito natuloy.

“Pupunta na ako sa States para mag-work dito sa international record label. Pagdating ko roon nag-sign na ako ng form, ipinatawag ako ng HR kasi sabi nila, ‘We need your US social security number.’


“Sabi ko, ‘I only have my Filipino social security SSS.’ ‘Are you a citizen or green card holder?’ Sabi ko ‘No, I am a tourist.’

“Nakita ko na ‘yung mukha nag-iba. In other words, hindi ako natanggap, hindi ako eligible to work. Pero na-announce ko na sa Pilipinas na successful ako, ayaw ko bumalik.

“So diniretso ko na, wala sa intensiyon ko na iwanan ang career para gawin ‘yung ginawa ko sa Amerika,” pagbabahagi ni Paco.

Kasunod nito, nagdesisyon siyang maghanap ng ibang trabaho para maipagpatuloy ang pamumuhay niya sa Amerika, “Naging kargador ako roon kasi hindi ako natanggap sa label.

“Ang ginawa ko ayaw ko umuwi, so nagtrabaho ako as kargador for a beauty warehouse. Tapos noon nagtrabaho ako sa electronic store. Sa electronic store naging kahero ako roon.

“Sa beauty warehouse hindi ko makakalimutan ‘yun jetlag ako umiiyak ako dahil sabi ng manager ko, ‘dati napapanood kita sa TV ngayon tauhan kita.’

“So kailangan kong kainin ang pride na ‘yon, nilamon ko ‘yung pride na ‘yon talaga,” aniya pa.

Patuloy paniyang kuwento, “Doon sa electronic store naman, six hours kahero, one hour taga-collect ka ng push carts, isang oras tagalinis ka ng bathroom at tagabalik ng product.


“Habang naglilinis ako ng bathroom, may mga Pinoy nakita ‘yung name tag ko. Sabi, ‘oh si Paco Arespacochaga pala ito’ sabay umihi sa sahig. ‘O pre linisin mo ito kung hindi ire-report ka.’

“Totoo ‘yon. I mean don’t get me wrong, it’s not all Pinoys but there are rotten apples everywhere and to think na while that was happening I was newly remarried so mayroon akong domestic challenges tapos mayroon akong personal career challenges, so puro challenges lahat ‘yon,” lahad ng drummer.

Sa ngayon, may limang anak na si Paco, kabilang na riyan ang nag-iisang anak nila nila ng actress-singer na si Geneva Cruz.

Si Paco ang drummer ng OPM band na Introvoys. Ilan sa mga pinasikat nilang mga kanta ay ang “Kailanman,” “Line To Heaven” at “Di Na Ako Aasa Pang Muli.”

 

Michelle Dee naki-join sa fundraising project para sa mga miyembro ng LGBTQIA+; Catriona nakiisa rin sa Pride Month

Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa ‘ex’, in good terms kay Paco

Paco nagluluksa rin sa pagpanaw ng nanay ni Geneva: Goodbye Mama…

Read more...