NAKAKATUWA si Yeng Constantino dahil pagkalipas ng 17 years niyang pamamayagpag sa music industry at masasabing naabot na niya ang rurok ng tagumpay bilang isang singer-songwriter ay hindi pa rin siya nakalilimot at marunong magpasalamat.
Taong 2006 ay isa si Yeng sa pinalad na mapasok sa season 1 ng “Pinoy Dream Academy” at pagkalipas nang apat na buwang pananatili sa PDA ay itinanghal siyang Grand Star Dreamer.
Masarap kausap si Yeng noong nagsisimula palang siya dahil marami siyang kuwento tungkol sa simpleng pangarap niya para sa magulang at mga kapatid na at kung paano siya tumutulong sa mama niya na nagtitinda-tinda.
Dahil sa mga taong sumugal sa kanya partikular ang Star Music at Star Magic ay nakamit na ni Yeng unti-unti ang kanyang mga pangarap at dahil rin sa talento niya siyempre.
Pagkalipas ng limang taon ay napunta na siya sa pamamahala ng Cornerstone Management at mas lalong sumikat ng husto si Yeng hanggang sa labas ng bansa sa kaliwa’t kanang shows kasama ang ibang artist ng kumpanya ni Erickson Raymundo.
Bakit kami nagbalik-tanaw sa kadahilanang marunong lumingon at magpasalamat si Yeng sa mga taong nakasama niya noong nagsisimula palang siya na pagkalipas ng 17 years ay tanda pa niya ang lahat.
Nagulat kami nang kantahin niya ang “Hawak Kamay” pagkatapos ng contract signing niya bilang pagbabalik niya as Global Ambassadress ng Academy of Rock ngayong 2023 ay nabanggit niyang nakangiti, “Te Reggee, naalala mo ‘to?’
Tumango kami, sino ba naman kasi ang makakalimot sa awiting Hawak Kamay na kinakanta-kanta niya noong kasa-kasama namin siya, 17 years ago. Sabi nga niya ng lumapit siya sa amin, “ang tagal na, 34 years old na ako ngayon.” Hindi ba’t nakakatuwang marinig mula sa napakasikat na Yeng Constantino-Asuncion?
Anyway, isa rin ito sa qualities na nagustuhan marahil ng presidente at founder ng Academy of Rock Singapore na si Ms Priscila Teo kaya muli niyang kinuha si Yeng as the 2023 Globas Ambassadress ng AOR dahil bukod sa loyal at may respeto ay naniniwala ang una na malaki ang maitutulong nito sa itinayong music school sa bansa.
Taong 2013 nang maimbitahan si Yeng kasama ang ilang Cornerstone artists na mag-perform sa opening ng Academy of Rock sa Singapore at nakitaan ng galing kaya kinuhang AOR brand ambassadress. At heto pagkalipas ng sampung taon, 2023 ay kinuha ulit siya ni Ms Teo.
Anyway, sa ginanap na contract signing ni Yeng ay lumipad mula Singapore si Ms Priscila Teo para makasama rin ang ibang shareholders tulad nina Jonathan Manalo, Rox Santos, Jacinto Gan Jr at Benedict Mariategue. Hindi nakarating ang isa rin sa share holder ang aktor na si Enchong Dee dahil may commitment.
Present sa contract signing ang Vice President ng Cornerstone Entertainment na si Jeff Vadillo bilang kinatawan.
Sa pagbabalik ni Yeng as AOR ambassadress ay, “gusto ko lang pong sabihin na I’m so excited sa partnership with Academy of Rock once again. This is very special day for me kasi this is my 10th year mula ng makikilala ko siya (Priscila). I’m really, really grateful for that memory and my journey with the company because to me AOR is not just a company, they’re also a family to me.
“And ang partnership na ito ay napakaganda para po sa mga batang musicians na Pinoy kasi noong panahon namin hindi naman talaga accessible ang music education sa amin and now we have this opportunity na para mas maraming matutunan ang mga gustong mag-aral ng music. Nandito po kami bukas po ang pintuan namin and excited ako sa partnership with songwriting camps, music production, and sa edad kong ito 17 years na sa industry I want to mentor upcoming songwriters and alam kong magagawa ko iyan with my partnership with Academy of Rock.”
Related Chika:
Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon
Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko
Yeng sa pagpanaw ng ina: After four days mula nang mawala siya, saka lang ako nakaiyak
Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’