KC Concepcion may kumakalat na posers, may babala sa netizens

KC Concepcion may kumakalat na posers, may babala sa netizens
NAGBABALA ang singer-actress na si KC Concepcion sa madlang pipol patungkol sa kumakalat niyang posers online.

Nitong Miyerkules, March 1, sa pamamagitan ng kanyang Instagram page ay ipinagbigay alam niya sa kanyang mga fans and followers na may pekeng account na nagpapanggap bilang siya.

“I hear there are impostors going around pretending to be me, via ‘private’ social media/email/phone accounts. THAT IS NOT ME, reaching out to fans and followers on social media ‘IN PRIVATE’ via unofficial accounts,” saad ni KC.

Dagdag pa niya, “Please do not engage in conversation with any posers or those pretending to be me. There is only one!”

Ipinangako rin ni KC sa kanyang mga tagasubaybay na magsasabi siya sa madlang pipol kung magkakaroon man siya ng iba o bagong account bukod sa kanyang existing social media pages.

“For now, stay vigilant and especially be careful not to provide personal information to non-official KC accounts/handles!” paaalala niyang muli.

Nag-post rin ang aktres sa kanyang Instagram story ng screenshot ng account na @kristinaconcepcion_private na nagpapanggap bilang siya.

“This is NOT me. To the 29 — Please UNFOLLOW. Thanks,” sey ni KC.

Kamakailan ay nakipag-bonding ang dalaga kasama ang kanyang ama na si Gabby Concepcion sa Batangas.

Related Chika:
KC Concepcion may pa-‘V-Day date reveal’, may bagong dyowa na ba?

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Sharon ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC: Show the world what you’ve got!

Read more...