BEA nag-wet look, ganti sa pagpapakita ng pwet ni ZANJOE
After naming masolo sa interbyu si Daniel Matsunaga sa hallway ng ABS-CBN, inabutan naman namin si Bea Alonzo na tsinitsika pa ng ibang taga-media.
Sad to say, nagpa-last question na kay Bea dahil may kasunod pa raw na TV interview for her. Mabuti na lang nice sa amin si Bea at habang naglalakad patungo sa set for her TV interview with Dingdong, e, in-entertain niya ang ilan naming tanong.
Sa eksena pa lang sa trailer kung saan umuulan at kinukumpuni ni Bea ang nasirang kotse, e, kita na ang umaapaw na sex appeal niya.
Kaya tinanong namin si Bea kung ano ang reaksyon ng real-life boyfriend niya na si Zanjoe Marudo sa eksena niyang ‘yun sa “She’s The One.”
“May pabasa-basa ka pa ng ulan, ha!’ sabi niya,” lahad ni Bea. Biniro tuloy namin si Bea kung ganti ba niya ito kay Zanjoe sa love scene niya kay Angel Locsin sa “One More Try” at ang ilang ulit nitong pagpapakita ng butt sa “Bromance.”
“Hindi naman,” ngiti ni Bea. “Hindi ko na nga naalala ‘yun, e. Ha-hahaha!” Idinirek ni Mae Czarina Cruz, ang “She’s The One” ay tungkol sa isang long-time friendship na puwedeng biglang magbago dahil sa isang di-inaasahang pangyayari—at dahil dito, ang dalawang magkaibigan ay mapipilitan na i-evaluate ang feelings nila para sa isa’t isa sa panahon na ito ng Facebook,
Twitter at viral videos. “Matagal ko na siya (Dingdong) gustong makatrabaho because I’ve heard a lot of good things about him,” sey ni Bea.
Dahil sa casting at magandang storyline, tinatayang ang “She’s The One” ay magiging major movie event ng 2013.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.