Kim Molina buntis na nga ba sa panganay nila ni Jerald Napoles…o baka naman engaged na?!

Kim Molina buntis na nga ba sa panganay nila ni Jerald Napoles...o baka naman engaged na?!

Jerald Napoles at Kim Molina

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung ano nga ba ang tinutukoy na pasabog na sorpresa ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Nag-post kasi ang magdyowa sa kani-kanilang Facebook accounts ng isang nakakaintrigang mensahe na may konek sa bagong kaganapan sa kanilang buhay at career.

Kalakip ang litrato nilang dalawa ang caption na, “#NEWBLESSING is coming! Abang abang sa aming mga post! Lablab, KimJe… #NewChapter #NewTeam.”

Wala nang ibang detalyeng ibinahagi ang KimJe tandem tungkol sa panibagong blessing na kanilang tinutukoy pero halos lahat ng kanilang followers ay nag-congratulate sa kanila.

Ang hula ng marami ay magiging parents na ang dalawa at buntis na raw si Kim habang ang ilan naman ay nagsabing baka ras nag-propose na si Jerald sa kanyang longtime-partner.


Yung iba naman ay naniniwalang baka raw isang endorsement lamang ito o bagong pelikula na gagawin nila sa mga susunod na buwan.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section ng Facebook post ni Kim.

“Hala meron nang little kimje… Im happy for both of you. Congratulations in advance miss kim.”

“New product siguro…we love you. Kim and Jerald.”

“Mukhang magbubuo na kayo ng family ha…We’re happy for both of you. Kim Molina  and Jerald Napoles .Baka naman makahigop ng mainit na sabaw? Congrats! Stay safe.”

“New blessing idol congrats in advance. love you both.”

“Mukang preggy c ms Kim Molina congrats po in advance.”

“I hope and pray it a baby already, congrats kng any mang blessings yan, love3.”

Sa panayam namin kina Jerald at Kim sa presscon ng pelikula nilang “Girlfriend Na Pwede Na”, inamin nilang wala pa sa kanilang mga priorities ang pagpapakasal pero napag-uusapan naman daw nila ito.

Kris may tinapos na relasyon; humiling ng ‘tatay’ para sa 2 anak

Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Read more...