Jomari Yllana namanhikan na sa pamilya ni Abby Viduya: ‘#Call me old fashioned’

Jomari Yllana namanhikan na sa pamilya ni Abby Viduya: '#Call me old fashioned'

Jamari Yllana at Abby Viduya kasama ang kani-kanilang pamilya

NAMANHIKAN na ang aktor at public servant na si Jomari Yllana sa pamilya ng kanyang fiancé na si Abby Viduya na nakilala rin noon bilang Priscilla Almeda.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinalita ni Jomari ang good news kalakip ang ilang litrato na kuha sa naganap na pamamanhikan.

Ayon kay Jom, mas pinili niya ang old-fashioned at traditional na paraan ng pormal na paghingi sa mga kamay ni Abby mula sa mga magulang at iba pang kapamilya ng dating sexy star.

Kahapon, February 26, ipinost ni Jomari ang ginawang pamamanhikan sa bahay mismo nina Abby sa Paraniaque. Wala siyang inilagay na caption sa kanyang FB post pero nilagyan niya ito ng mga hashtag na #callmeoldfashioned at #pamamanhikan.


Base sa mga litratong ipinost ni Jom, makikitang nagkaroon din sila ng intimate salu-salo. Kasama niyang namanhikan ang kanyang kapatid na si Ryan Yllana.

May dala rin silang one-foot tall cake na may decoration na rose na may nakasulat na “Bride To Be.”

Sa mga kabataang hindi pa masyadong aware sa pamamanhikan, ito ay ang formal na paghingi ng lalaki sa kamay ng babaeng nais niyang pakasalan.

Ito’y ginagawa sa harap mismo ng kanilang mga parents. Dito rin pinag-uusapan ang mga detalye sa kasalang magaganap.


Matatandaang unang naging magdyowa sina Jomari at Abby noong dekada 90 pero naghiwalay din kalaunan. And after 20 years, nagkabalikan nga sila noong 2019.

Sa naging panayam namin kay Jomari last year, sinabi nitong, “I want to marry Abby before I end my term as councilor,” declared Jomari. “I don’t know where destiny will lead me in politics. This is my last term as councilor.

“We are both pacing ourselves when is the best time to tie the knot and where. But we both agreed to settle down. After all, we are not getting any younger,” aniya.

“We are already three years together, but the thrill of being with him never disappears. Spending the rest of my life with Jom is the best thing that has ever happened to me,” sabi pa niya.

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen; wala nang urungan sa kasalan

Abby Viduya love na love si Jomari Yllana: ‘He is my first and last!’

Jomari Yllana, Abby Viduya ‘husband & wife’ na ang tawagan sa isa’t isa, ikinasal na nga ba?

Read more...