Juliana Gomez gold medalist sa UAAP women’s fencing tournament; Kiel Sotto second placer sa jiu-jitsu

Juliana Gomez gold medalist sa UAAP women’s fencing tournament; Kiel Sotto second placer sa jiu-jitsu

PHOTOS: Facebook/nowhere to go but UP, Instagram/@osotto

NAGMANA talaga si Juliana Gomez sa kanyang tatay na actor-politician na si Richard.

Nakuha kasi ni Juliana ang gold medal matapos manalo sa UAAP women’s fencing tournament.

Pambato ng University of the Philippines ang anak ni Richard at ang kanyang natalo sa finals ay mula sa De La Salle University na si Cyrra Vergara.

Para sa mga hindi pa masyadong aware si Richard ay gold medalist din ng fencing nang lumaban siya sa Southeast Asian Games noong 2005.

Bukod diyan, dati siyang presidente ng Philippine Fencing Association (PFA) noong 2016 at 2021.

Anyway, proud na proud ang dating aktor sa champion niyang anak at ibinandera pa ang huling moment sa laban ni Juliana.

Caption pa sa Instagram post, “I am so proud of you @gomezjuliana! You are now uaap champion!!!”

“Hard work and understanding of the game has set in. I love you ‘day!,” aniya.

Nag-post din mismo si Juliana sa kanyang Instagram at sinabing isang karangalan na lumaban siya para sa UP.

Sey niya sa IG, [trophy emoji] 2 years in the making.. i’m just getting started”

“It’s a privilege to fight for UP,” caption pa niya.

Samantala, proud parents din ang celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa kanilang panganay na anak na si Kiel.

Naging second place kasi siya sa kauna-unahang jiu-jitsu competition.

Sa Instagram, ibinandera ni Kristine na all-out support silang pamilya sa anak at mukhang kumpleto pa silang nanood sa kompetisyon.

Caption pa niya sa IG post, “Thank you, Lord for such an unforgettable experience… [folded hands emoji] So proud of you, Kiel! [red heart emoji]”

Ibinahagi naman ni Oyo ang proud moment ni Kiel na nasa stage at nakasuot ng silver medal.

Lahad niya sa caption, “That was a good fight! Congrats Kiel! [fist bump emoji] 2nd place [blushing emoji]”

Dagdag pa niya, “Thank you Lord God for keeping everyone safe. Congratulations to all Deftac Daang Hari students [clapping hands emoji]”

Related chika:

Kristine, Oyo emosyonal sa 13th b-day ng anak; sinupalpal ang intrigerang netizen

Read more...