Candy ‘naaksidente’ sa EDSA, sumabog ang gulong ng kotse: Hindi naman masyadong wasak ‘di ba, wasak na wasak!

Candy ‘naaksidente’ sa EDSA, sumabog ang gulong ng kotse: Hindi naman masyadong wasak ‘di ba, wasak na wasak!

PHOTO: Instagram/@candypangilinan

NAAKSIDENTE ang komedyante na si Candy Pangilinan sa Edsa.

Pero ang magandang balita ay wala namang nangyaring masama sa kanya.

Sa Instagram, ibinandera ng komedyante na tanging ang gulong lang ng kanyang kotse ang sumabog at talagang nasira.

Sey pa niya habang ipinapakita ang sumabog na gulong, “Ito po nangyari sa gulong ko na tumama ako sa reflector sa Edsa na wala nang takip.”

“Hindi naman masyadong wasak ‘siba, wasak na wasak,” dagdag pa niya.

Kwento ni Candy sa kanyang IG post, “Papunta ako ng #bidafunrun kaninang 3am kung saan ito ay kampanya laban sa droga.”

“Nadaanan ko mga reflector na walang takip papuntang cubao underpass,” patuloy niya.

Lahad pa niya, “Bago ako makarating kalbaryo ang inabot ko, kaba, takot, lito. Iniwan ko ang aking kasama at tinulungan kami ng mmda na sina Gomer at Mariano.”

“Sa pagmamadali sumakay ako ng taxi na may pasahero. Mabait naman sila kahit dalawang lalake ang kasabay ko,” aniya.

Buti nalang daw ay nakaabot siya sa fun run event at naging matagumpay ito.

Biro pa niya, sa dami ng nangyari sa kanya ay pakiramdam niya hapon na kahit madaling araw pa lang.

Caption niya, “Sa madaling araw, pakiramdam ko, hapon na.”

Marami naman ang napa-comment sa post ni Candy at nagpahayag ng kanilang panawagan sa gobyerno dahil sa mga accident-prone umano na mga kalsada sa ating bansa.

Narito ang mga nabasa namin sa komento:

“‘Di lang po sa Edsa karamihan sa mga kalye ngayon may ganyan po. Sana i-check din ng mga nag-install. Sa area namin marami ang ‘di umiilaw. Baka naman DPWH!”

“Ingat po…’yan dapat pagtuunan din ng pansin ng MMDA…regular check ng reflector nila tsaka barrier/plastic cone ‘yung iba natumba ng hangin,, nasagi ng sasakyan wala na sa align.”

“Omg!!!! That’s so dangerous buti ‘di mabilis ang takbo otherwise pwede kayong bumaliktad. Praise God safe pa din kayo.”

Related chika:

Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Read more...