TULUYAN na nga bang nagpaalam bilang “Fidel” sa teleseryeng “Maria Clara at Ibarra” ang Kapuso actor na si David Licauco?
‘Yan ang tanong ng maraming netizens sa latest Instagram post ni David kasabay ng pagtatapos ng nasabing fantasy series.
Mababasa kasi sa bahagi ng kanyang post ang mistulang “clue” na hindi pa siya lubusang nagpapaalam sa kanyang karakter.
Sa Instagram, inihayag na muna niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta ng naging teleserye.
“Yesterday marks the end of MCI, with that, I’d like to say thank you to everyone who supported the show for the past 5 months. To my MCI fam, I appreciate all of you,” caption niya.
Pinasalamatan niya rin ang TV network at lahat ng bumubuo ng “Maria Clara at Ibarra.”
Saad niya sa IG post, “To GMA, thank you so much for giving me this once in a lifetime opportunity, It has been an absolute honor playing the role of Fidel.”
“Lastly, to all the hardworking team behind the cam, I’ve learned a lot from each and everyone of you [red heart emoji] I am forever grateful!”
Sey niya sa pagtatapos ng kanyang post, “Fidel signing off….. for now [wink emoji]”
Dahil sa huling pahayag ni David ay maraming netizens ang napa-comment at nagsasabing mukhang magkakaroon ng ikalawang season ang teleserye.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“May season 2????? Dapat lang!! Binitin ba naman kami [sad face emoji]”
“Signing off for now!? means marami pang kasunod ang #filay [red heart emoji]”
“For now….. [shocked emoji] so season 2 na ito!”
Ang final episode ng “Maria Clara at Ibarra” ay naging trending topic sa Twitter Philippines na umaani na ng halos 200,000 tweets as of this writing.
Related chika: