Swerte ang mga nanay ngayon, say ni Andi Manzano-Reyes

Andi Manzano-Reyes

Andi Manzano-Reyes/ARMIN P. ADINA

 

NILALASAP ng host at vlogger na si Andi Manzano-Reyes ang pagpapalaki sa dalawang anak na babae, na magiging tatlo na sapagkat may isa pang sanggol na paparating ngayon. At hindi niya ito alintana ngayong napapansin niyang mas madali nang maging ina ngayon.

“I think we are fortunate because we are able to work from home. We’re able to spend time, we’re able to mother, we’re able to bear it and have a business and do everything at home,” sinabi ni Reyes sa Inquirer sa isang panayam sa 205 BGC restaurant sa High Street Central sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Peb. 24.

Nakausap ng dating MTV VJ ang Inquirer sa isang pagtitipon ng midya kung saan siya inilunsad bilang “Chief Mama Officer” ng Mama’s Choice sa Pilipinas.

Aniya, napansin niya noon sa kaniyang ina noong bata pa siya na sa pamilya at kaibigan lumalapit ang mga nanay dati. Ngunit ngayon, mas malawak na ang napagkukuhanan ng suporta ng mga babaeng may agam-agam sa pagiging ina.

“I think now people feel that they are not alone when it comes to motherhood. Now with social media, with the internet, it’s easy to join groups on Facebook. I feel like we have a better support system that even you can find friends or people going through the same thing you’re going through, even if they’re far away from another country,” ipinaliwanag ni Reyes.

Mas madali na rin umano para sa mga babae ngayon na magkaroon ng “me time” hiwalay sa mga anak, para sa self-care nila. “I think all of you will agree that spending time alone and having time for yourself really helps you mentally. It also helps you with your mood swings,” aniya.

Para sa kanya, nag-eenjoy siya sa “quiet bath, waking up early in the morning having your coffee, or watching your Netflix show. I like going to the grocery. I enjoy going to the grocery now.”

Ngunit gaano man nagbago ang panahon ngayon, at gaano man kadali ang buhay para sa mga ina, mananatili pa ring hindi magbabago ang “love of a mother” sa kaniyang anak, ani Reyes.

Read more...