Pamilya ni FVR nangakong isasapubliko ang detalye ng burol at libing: We thank you all for respecting our privacy... Bandera

Pamilya ni FVR nangakong isasapubliko ang detalye ng burol at libing: We thank you all for respecting our privacy…

Ervin Santiago |July 31,2022
share this

Pamilya ni FVR nangakong isasapubliko ang detalye ng burol at libing: We thank you all for respecting our privacy…

Ervin Santiago July 31, 2022 - 07:39 PM

Fidel V. Ramos

NAGLABAS na ng official statement ang pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos tungkol sa pagpanaw nito ngayong araw, July 31.

Ayon sa kanilang opisyal na pahayag, nagpapasalamat sila sa publiko at sa sambayanang Filipino sa pagrespeto sa kanilang privacy ngayong nagluluksa sila sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

“The Ramos family is profoundly saddened to announce the passing of former President Fidel Valdez Ramos.

“We thank you all for respecting our privacy, as the family takes some time to grieve together.

“We will announce wake and funeral arrangements in the near future,” ang nakasaad sa nasabing official statement ng pamilya Ramos.

Kanya-kanya namang post sa social media ang mga opisyal ng gobyerno ng mensahe ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni FVR, ang ika-12 Pangulon ng Pilipinas na nagsilbi mula 1992 hanggang 1998.

Isa sa mga unang naglabas ng mensahe ng pakikiramay sa pagpanaw ni FVR ay ang Philippine National Police (PNP).

“The nation lost a great leader. We are one with our fellow countrymen in expressing our deepest condolences to the family of the former president,” mensahe ni Brig. Gen. Roderick Alba, ang PNP public information office chief.

Aniya pa, “Fidel V. Ramos will be remembered for his valuable contribution into improving the lives of the Filipinos.

“More than being a military leader and a government official, he served as a good example to humanity through his incomparable wisdom and deeds,” pahayag pa ng heneral.


Narito naman ang mensahe ni Sen. Bong Revilla, “Napakabigat at napakalungkot pong balita ang pagpanaw ng aking itinuturing na ama sa paglilingkod-bayan, President Fidel V. Ramos.

“Hindi matatawaran ang naging pamana ni FVR sa bansa. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno ay umahon ang Pilipinas mula sa mga krisis na bumabalot sa bawat pilipino ng mga panahong iyon.

“His legacy is the foundation upon which later administrations have built upon. He transformed the Philippines from being the sick man of Asia to the Tiger of the Region.

“It was President Ramos who convinced me to join public service as he invited me to Lakas-CMD. After some three decades, I continue to be with Lakas espousing its ideals.

“He was my first and true mentor as I forayed into politics, being elected as Cavite’s Vice Governor in 1995. Up to this day, FVR is an inspiration and an example I greatly look up to.

“While the passing of our Chairman Emiritus is a great loss to our Party, it does not compare to the loss of our country. He was one of the best!

“Rest in Peace, Mr. President!

“Know that we will continue your fight for the Philippines and the Filipino people,” sabi pa ng actor-politician.

Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

Jake Zyrus humiling ng ‘privacy’ habang nagluluksa sa pagkamatay ng lola at tiyuhin

Katrina Velarde nagluluksa sa pagpanaw ng asawa, humingi ng privacy mula sa publiko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending