Jay Sonza kumampi kay Darryl Yap: ‘Bakit kailangang banatan ang ‘Martyr or Murderer’ para maibandera ang mga bulok na pelikulang gawa ng iba?’

Jay Sonza kumampi kay Darryl Yap: 'Bakit kailangang banatan ang 'Martyr or Murderer' para maibandera ang mga bulok na pelikulang gawa ng iba?'

Jay Sonza at Darryl Yap

NAKAKUHA ng isa pang kakampi at tagapagtanggol ang controversial director na si Darryl Yap sa katauhan ng dating TV host at news anchor na si Jay Sonza.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook acccount, nagsalita si Jay tungkol sa panggagamit umano ng ilang direktor at producer sa pangalan at pelikula ni Darryl Yap sa pagpo-promote ng kanilang mga proyekto.

Ito’y matapos ngang magkasagutan si Direk Darryl at ang beterano at premyadong direktor na si Joel Lamangan dahil sa magaganap na bakbakan ng kanilang pelikula sa darating na March 1.

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa sa presscon ng kanilang mga pelikula, ang “Oras de Peligro” ni Direk Joel na tungkol sa EDSA People Power, at ang part 2 ng “Maid in Malacañang” na “Martyr or Murderer” ni Direk Darryl na isa namang Marcos movie.

Para naman kay Jay Sonza, sana’y tigilan na ang gamitan sa movie industry. Nakasaad sa kanyang FB post, “CRAB MENTALITY…


“Bakit kailangan banatan iyong obrang MARTYR o MURDERER para maibandera ang mga bulok na pelikulang gawa ng iba,” aniya.

Pagpapatuloy pa ng dating broadcaster, “Why can’t they promote their own movies by telling people how good their movie is?

“Why can’t they tell the audience how great their thespians are in the projection of their assigned characters?

“Bakit kailangan sakyan nila ang tagumpay ng ibang pelikula? Ano? Para mapag-usapan sila, pero nilalangaw pa rin iyong kanilang pelikula sa takilya!” aniya pa.

Narito naman ang comments ng mga netizens hinggil sa isyu nina Darryl Yap at Joel Lamangan, isama pa ang pelikula ni Atty. Vince Tañada na “Ako si Ninoy” na sinasabing nakikisakay din daw sa pelikulang “Martyr or Murderer.”

“Hay naku! Sir Jay Sonza tama ka dyan! Maraming ganyan po sa dating TV station nyo, lalo na si Melo. Halos lahat ng project ng government ngayun hindi sila agree. Parang sila na ang tama at mas may alam. Thanks.”

“Dilaw n dilaw. That was how Liberal Party was promoted. Ang pundasyon nilang base s paninira ng katunggali nila. Sa puntong kahit ibang mga dispensable nilang mga miyembro ay isakripisyo nila para sa sarili nilang kapakanan… e.g. Plaza Miranda bombing. Magtataka p b tayo. Masyadong mapanira yang mga yan. Self centered at self righteous. Sila lang ang may karapatan. Pag ayaw mo s kanila, CANCELLED ka.”

“Kailangan siraan pa ung iba para sumikat..Ang nangyayari tuloy lalo cla lumulubog….Ugali na hindi na nila binago..Patay na ang original na magaling manira..Gusto pa yata na sumunod sa amo na magaling lng manira ng kapwa.”

“Lagi nlang klangang manira para itaas ung movie nila? Dba pwedeng ipromite kung gno kganda at mbuting aral mkuha hindi ung mninira ng iva,karna tuloy inabot,pi ilahan ng bangaw sa gateway.”

“Simply because they were intimidated as if they were not, to avoid being detected as affected.they are playing safe assuming the people are with them which in not in terms of majority.and if they claim yes,the question is,why bbm won by landslide?”

“Hindi nila matanggap ang katotohanan.. nanatili sa mga kasinungalingan, kya ayan nilalampaso sila ng bagito.. congrats derek darryl.”

Yorme walang isyu sa billing ng pangalan niya sa ‘Martyr or Murderer’: Huwag kayong mag-alala, ‘yadba’ naman ako, e!

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Read more...