Robin proud na proud sa pagiging action star ni Kylie; pero hindi payag mag-artista noon ang mga anak

Robin proud na proud sa pagiging action star ni Kylie; ipinadala ang anak noon sa Thailand para sa Muay Thai training

Kylie Padilla at Robin Padilla

“#DADDY duties!” Kahit sobrang busy sa kanyang trabaho bilang senador ay naglalaan pa rin ng panahon si Robin Padilla para sa kanyang mga anak.

Ilang araw bago magsimula ang “Mga Lihim ni Urduja” sa GMA Telebabad, na pinagbibidahan ni Kylie Padilla ay nagpakita ng suporta si Sen. Robin sa kanyang anak at sa nasabing programa.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ng actor-public servant ang kanyang pagiging proud tatay kay Kylie na muling magpapakitang-gilas sa larangan ng pag-aaksyon at pakikipagbakbakan sa harap ng mga camera.


Ibinahagi ni Sen. Robin sa kanyang FB page ang litrato ni Kylie na nakasuot ng police uniform na kuha sa isang eksena niya sa “Mga Lihim ni Urduja” kung saan gumaganap nga siya bilang baguhang alagad ng batas.

“Ito ng muli ang pagbabalik ng aking natatanging tagapagmana sa Trono pagdating sa aksyon at drama sa pelikulang pilipino at telebisyon,” ang bahagi ng caption ng action star sa kanyang FB post.

Samantala, sa “Mga Lihim ni Urduja” ay talagang napalaban sa mga buwis-buhay na eksena si Kylie, “My character wanted to become a police officer to protect people. And as a descendant of Urduja, she has the ability to wield some of the latter’s power.”

“It’s my first time to do actual fight scenes, so this is different for me. Sometimes, I use weapons, but mostly, I do hand-to-hand combat. I have been waiting for a project like this for so long. I’m happy I’ve been given a good one,” aniya pa.


Kuwento pa ni Kylie, ayaw daw talaga ng tatay niya na pumasok siya sa showbiz, “It’s quite funny because he didn’t want me to become an actress at first. Bawal daw kami mag-artista, unless it’s action or a movie like ‘Charlie’s Angels.’

“But it’s fine because we were raised like boys, anyway. We were sent to Thailand to train in Muay Thai. I really wanted to do that. I wanted to become an action star. I’m happy because I will finally be able to apply all the things I trained for, like Muay Thai and sword fighting,” lahad pa ng celebrity mom.

* * *
Isa pa sa mga bibida sa “Mga Lihim ni Urduja” na magsisimula na bukas, February 17, ay ang kapwa Sang’gre ni Kylie sa “Encantadia” na si Gabbi Garcia. Kasali rin sa serye si Sanya Lopez na siyang gaganap bilang Princess Urduja.

“It really helps na maganda na ang bonding naming tatlo and it’s like working anew with my Encantadia sisters,” sey ni Gabbi.

“From that time to now, we have grown individually in our careers and private lives. We were all given our own successful shows.

“So it’s really so nice to be able to work again together with them in a show that touches on our country’s rich and colorful history,” dagdag pa niya.

Ang “Mga Lihim ni Urduja” ang siyang papalit sa nagtapos nang “Maria Clara at Ibarra”. Ka-join din sa cast sina Zoren Legaspi, Gina Parejo, Sunshine Dizon, Rochelle Pangilinan, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Vin Abrenica, Pancho Magno at Arra San Agustin.

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023

Read more...