Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo at Julie Anne San José
HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng netizens at Kapuso viewers ang nakakaiyak at nakaka-inspire na pagtatapos ng hit historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”
Wala kaming nabasang negative na komento sa social media sa pasabog na ending ng serye, at halos lahat ay nagsabing hanggang sa ending ay napakagaling nina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.
In fairness, talagang trending at viral ang bawat eksena sa finale episode ng “Maria Clara at Ibarra” last Friday base na rin sa pagbuhos ng mga comments at reactions sa socmed ng mga viewers habang nanonood sila.
Bago umere ang huling episode ng serye ay binalikan ng lead stars nito ang mga favorite at hindi malilimutang eksena na ginawa nila.
Ayon sa Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, na gumanap bilang Crisostomo Ibarra sa kuwento, ang tumatak sa kanya ay ang kanyang speech para iparating sa kinauukulan ang mga hinaing ng mamamayan.
“‘Yan kasi ‘yung pinakamatagal ko ring pinaghandaan noong nalaman ko ‘yung gagawin ko sa eksena na ‘yun, ganito siya kahaba.
“Naalala ko, Christmas Eve, pagkatapos ng celebrations, ‘yung kagad ‘yung binabasa ko–‘yung script ko noon, ‘yung mga lines ko doon sa eksena. Tumatak din siya sa maraming tao. Isa ‘yun sa mga paborito kong eksena,” pagababahagi ni Dennis sa panayam ng GMA.
Sey naman ni Barbie na gumanap bilang Klay, favorite niya ang kanyang prayer scene sa simbahan nang masaksihan niya ang pang-aapi sa mga Filipino na walang kalaban-laban.
“Siyempre ‘yung prayer ko, ‘yung mahaba kong prayer, unforgettable siya dahil ako lang mag-isa sa eksena. Ang daming gustong sabihin ng eksenang ‘yun. I’m so glad na somehow we pulled it off and somehow na-convey namin ‘yung message na gusto naming iparating,” pag-alala ni Barbie.
Tumatak naman kay Julie Anne bilang Maria Clara (pati na sa mga manonood) ang maselan at madramang mga eksena nila ni Juancho Trivino na gumaganap bilang Padre Salvi.
“As in ‘yung buong chunk ng scene na ‘yun talagang nakakapagod talaga siya, emotionally, phyisicaly, mentally, everything,” kuwento ni Julie.
Para naman kay David, paborito niyang eksena ang pagsampal ni Klay sa karakter niyang si Fidel, “Unforgettable for me ‘yung sinampal ako ni Klay noong umpisa. Sobrang yabang ng personality ni Fidel nung start, very mahangin talaga. Nakakatuwa rin.”
Samantala, pagkatapos na pagkatapos ng finale ng “Maria Clara at Ibarra” ay agad na humiling ang mga manonood ng season 2 dahil marami pa raw pwedeng mabuong kuwento sa mga naging rebelasyon sa pagtatapos nito.
Well, abangan na lang natin ang magiging desisyon ng GMA about a possible sequel or prequel.
Darryl Yap puring-puri ang ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie, Dennis at Julie Anne: Hindi nakakabato, hindi kailangan ng hype
Julie Anne, David, Barbie handa bang ipaglaban ang taong minamahal hanggang kamatayan?
Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…