Enzo nag-sorry kay Jake pagkatapos ng maaksyong eksena: ‘May mali akong buhat sa kanya kaya na-twist ‘yung tuhod niya’

Enzo nag-sorry kay Jake pagkatapos ng maaksyong eksena: 'May mali akong buhat sa kanya kaya na-twist ‘yung tuhod niya'

Enzo Pineda at Jake Cuenca

KAILANGAN pala ay palaging maingat kapag gumagawa ng fight scenes.

Ito ang napatunayan ni Enzo Pineda na gumaganap bilang Hero, ang kanang-kamay ni Engineer played by Albert Martinez sa “The Iron Heart”.

“There was one time na kami ni Jake (Cuenca), may mali yata akong buhat kay Jake, so na-twist kinda ‘yung knee niya.  Nag-sorry na lang din ako.

“Pero after that, okay naman. It was just a minor injury lang naman. But it happens. Hindi talaga maiiwasan na masusugatan ka,” chika sa amin ni Enzo during out set visit sa Cebu.

“Action scenes are very tedious kasi ang daming shots, angles not like drama na may camera ka doon and after ng take ay tapos na. ito, you have to shoot a lot of scenes para pagdating sa cutting  and anything ay fast-paced siya.

“Mas matagal siya actually. May mga times na ito ang nakalatag na action scenes and hindi mo in-expect na hanggang umaga pala we’re still doing it. It takes a lot of time and effort,” paliwanag pa ng binata.

Ano ang most dangerous stunt na nagawa na niya sa “The Iron Heart? “So far, wala namang dangerous. What I love about the show even though very dangerous ‘yung ginagawa namin sometimes, they make sure that everybody is safe.

“There’s a prop knife, the real knife. The fake knife is made out of fake PVC or  styrofoam. Kapag sinaksak ko ‘yun, hindi siya masakit. Actually, baka mabali pa ‘yung knife. We try to make it as safe as possible,” say niya.

Natutuwa si Enzo kapag nakikita niyang nagwo-workout na ang mga kasamang sina Richard Gutierrez at Jake Cuenca tuwing umaga.

“Para sa akin, nakakatuwa kasi mga co-actors ko, they really try to set an example to each and everyone kasi action siya. Every morning, we workout. Papunta pa lang sa set ay ang dami na naming ginawa.

“Saka iwas injury din kasi kapag hindi ka nagwo-workout, you don’t do stretching, you don’t do mobility work, mai-injure ka kapag hindi ka prepared,” say niya.

Super ingat si Enzo kapag may action scenes siya, “Para sa akin action scenes kasi kailangan kong intindihin ang partner ko. One wrong move, baka ma-injure ko siya or ma-injure ka.

“So, you really have to take extra care in the scene with your partner. Let them know kung ano ba ‘yung gagawin mo para at least kapag nag-shoot…of course, may adrenaline na nagagawa mo based on the practices na nagawa mo.  So para at least maiwasan namin ang mga injuries,” he added.

Patok sa mga manonood ang mga maaaksyong eksena nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca at mga cast member ng “The Iron Heart” kung kaya’t umariba naman ito sa online view na umabot ng 267,376 live concurrent views nitong Miyerkules (Peb. 22) na siyang pinakamataas mula noong ito’y ipalabas.

Sa nasabing episode, patuloy ang pagtutulungan nina Apollo (Richard) at Eros (Jake) sa pagligtas sa buhay ni Bungo (Mitoy Yonting), ama ni Venus (Sue Ramirez).

Maging sa totoong buhay nga ay nagiging maganda rin ang samahan nina Richard at Jake bilang magkatrabaho.

Ani ni Jake, “Of all the action projects I’ve done in the past, Richard is the easiest person to work with, talaga. Like you get out of a really heavy fight scene, like kunwari mag-fight scene kami ng magdamagan…scratchless, hindi nasasaktan talaga, and I love Chard for that.Si Chard talaga is the epitome of an action star.”

Tutukan ang “The Iron Heart,” 8:45 p.m. sa iba’t ibang platforms ng A2Z, Kapamilya Network.

Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Enzo Pineda pinatigil na ni Michelle Vito sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa pelikula

Read more...