4 arestado matapos mang-rape umano ng 14-year-old na babae | Bandera

4 arestado matapos mang-rape umano ng 14-year-old na babae

Pauline del Rosario |February 25,2023
facebook
share this

4 arestado matapos mang-rape umano ng 14-year-old na babae

Pauline del Rosario - February 25, 2023 - 05:45 PM

Balita featured image

APAT na lalaki ang arestado sa Catbalogan City sa Samar matapos mang-rape umano ng 14-year-old na babae.

Ayon pa sa mga pulisya, isa sa mga suspek ay menor de edad.

Kinilala ang mga ito na sina Mar, 22 years old; Jimbo, 20 years old; Macmac, 26 years old; at Bong, 15 years old.

Lahat sila ay nahaharap na sa kasong “statutory rape.”

Si Macmac ay kinasuhan din ng isa pang kaso na paglabag sa Republic 9995 o ‘yung Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Base sa police report, nahuli ang apat na suspek sa baryo ng Payao sa tulong ng mga residente roon.

Nangyari raw ang krimen noon pang November 27, 2002 malapit sa isang elementary school ng nasabing baryo.

Bago mangyari ang insidente, ang 14-anyos na batang babae ay inimbitahan ng kanyang kaibigan para sa isang inuman.

Gayunpaman, dinala siya sa isang beach kung saan naghihintay ang mga suspek.

Nasa impluwensya na ng alak ang dalaga kaya nagawa itong kaladkarin ng apat na suspek malapit sa isang paaralan kung saan siya paulit-ulit na ginahasa.

Kinuhaan pa umano ng litrato at nagawa pang i-upload ni Macmac ang pangyayari habang ang biktima ay inaabuso.

Kasalukuyan nang nakakulong sa lock-up facility ng Catbalogan City police ang apat na suspek.

Habang ang 14-anyos na babae ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng social welfare and development office ng probinsya.

Read more:

Cherie Gil biglang umalis sa ginagawang teleserye: I have no regrets

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samar isinailalim na sa ‘state of calamity’ dahil sa matinding pagbaha, landslide

Northern Samar, Davao Occidental niyanig ng 4.6 magnitude na lindol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending