Motor delikado sa carwash | Bandera

Motor delikado sa carwash

Leifbilly Begas, Lito Bautista - October 09, 2013 - 02:19 PM

ISANG tanong mula sa readers natin na may cellphone number na …4556, na taga-Barangay Dadiangas North, General Santos City:  Kung okay lang na ipa-carwash ang motorsiklo.

Kung ang iyong 125 motorcycle ay dalawang-buwan na, malaki ang panganib na iyong kakaharapin sa pagpapa-carwash.  Ito ay dahil gumagamit ng high-pressurized water na may kasamang hangin ang mga carwash.

Ang malakas na pressure ay nakakasira ng mga piyesa ng motorsiklo partikular ang electrical system na nasa likod ng headlight.  Maaaring makapasok ang tubig sa compartment kapag ibinuga sa engine block at mabasa ang baterya.

Mayroon ding mga maliliit na piyesa sa engine block na maaaring masira sa high-pressurized water. Pagdating ng motorsiklo sa carwash, agad itong binubugahan ng tubig pagkaparada.

At hindi iyon mabuti para sa makina ng sasakyan na mainit pa.Dapat ay hayaan na lumamig ng sandali ang makina at ang exhaust system.

Bukod sa tubig, maaaring ang sabon na gamit ng mga carwash (na nagtitipid) ay nakakasira sa panglabas ng motorsiklo.Marami sa mga sabon na ginagamit sa mga carwash ay mayroong chemical solvents na nakakasira sa bakal, pintura at plastic ng motorsiklo.

Ang simpleng punas-punas ng espongha at malambot na tela (hindi yung basahan na ibinebenta sa kalsada) ay maaaring gamitin upang tanggalin ang mga dumi sa motorsiklo.

Maaari ring gumamit ng garden hose sa paglilinis basta ingatan lang na hindi mabasa ang muffler outlet at electrical parts. Gumamit din ng mild detergent sa paglilinis ng fairing, headlight lens at iba pang plastic parts.

Hindi dapat kiskisin ng matigas ang mga dumi.Huwag ding basta magtiwala sa ibinibentang chemical solution sa motorcycle shop kahit imported pa ito.

Tingnan kung dumaan ito sa pagsusuri ng Department of Trade and Industry. Mag-ingat din sa pagbili ng ‘scented’ detergent dahil hindi naman kailangan ng pabango ng motorsiklo.

MOTORISTA
XRM oil
ANO po ba ang magandang langis para sa XRM 125 model 2011?
…8936

BANDERA
SUNDIN ang sinasabi ng manual.  Ang bagong mga manual ng Honda ay iginigiit ang exclusive Honda oil, pero hindi nasusunod ito dahil sa presyo.

Kung pipili ng ibang brand, panatiliin ang SAE 40.  Huwag gumamit ng synthetic oil, na nag-aalok ng mas matagalang gamit, na makasisira lamang sa makina.  Huwag gumamit ng racing oil.  Mag-ingat sa mga pekeng Castrol.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending