Sharon may inaming ‘biggest pain’ kay KC: We’re very opposite sa ugali, tapos pareho pa kaming bullheaded

TAHASANG inamin ni Megastar Sharon Cuneta na ang panganay niyang anak na si KC Concepcion ang “biggest pain” niya at totoong hindi sila madalas nagkakasundo.

Isa lang ito sa topic ng panayam niya sa kumpare niyang si Ogie Diaz sa YouTube channel nitong “Ogie Diaz Inspires”.

“I think maraming nakakaalala, na hindi naman lahat ng anak mo ay kasundo mo pare-pareho. You will love all of them equally.

“Alam mo Diyos na lang ang nakakaalam kung gaano ko kamahal ‘yung panganay ko. ‘Yan ang unang-unang nagparamdam sa akin ng pagiging ina.

“’Yan ang unang-unang prinsesa ko na only my children are the people I would die for, ‘yung parang masasagasaan.(minuwestrang tatakbo), sasanggain ko, tatakbo ako para lang maitulak ko sila (palayo).

“The thing is, we are very…sabihin nating North and South? We’re very opposites sa pag-uugali siguro, tapos pareho pa kaming bullheaded at strong-willed.  Sorry anak ni Elaine at apo ni Elaine at ni Pablo, di ba?

“So, talagang malalakas kami, mga Gamboa’t mga Cuneta, eh. So, were both bullheaded, stubborn and strong-willed pero opposite ang ugali namin, so, hindi maiwasan ‘yung nagbabanggaan,” paglalarawan ni Sharon sa ugali nila ni KC.

Sa part 2 ng panayam ni Ogie ilalahad ng buo ni Sharon kung ano ‘yung biggest pain niya sa panganay niya.

Ang isa pang hindi malilimutan ni Sharon ay nang minsang may bumembang kay KC na reporter na mahal niya at itinuring na kapatid. Tinanong ni Ogie kung napatawad na niya ito at hindi na itinuloy ang demanda.

“Yes, pinatawad ko na. Alam mo kasi naisip ko pinilit ko talagang alalahanin lahat ng good times namin.

“Actually, hurt na hurt ako kasi minahal ko siya talaga (garalgal ang boses dahil maiiyak na), ayan ayokong maiyak.  Minahal ko siya parang kapatid pero ang laki ng ipinagbago.

“Tapos nu’ng may nag-forward sa akin na fan na may sinabi about KC na ‘si KC ganito, ganyan parang nanay niya.’

“Una kasinungalingan it was all made up pero ‘yung alam mo ba na ‘yung mga anak ko ayaw kong padapuan sa lamok man lang, di ba ganu’n ka rin (Ogie), may anak ka?

“Kasi hindi mo naman kami kilala na dahil ilang dekada ka na naming hindi nakikita?  How dare you! Four decades at kalahati ko binuo itong pangalan ko?  How dare you!” diin ni Shawie.

Sabi pa, “Anak ko ito, you don’t even…she doesn’t know you!  She hasn’t spoken to you her eversince, I don’t even remember if she met her as a little girl?  I don’t even remember.  What do you know about our lives? ‘Yung mapag-imbento talaga ang hindi ko ma-take,” paliwanag ng Megastar.

Halos lahat ng anak na babae ni Sharon ay nakatikim ng matitinding bash na wala naman daw ginagawa sa ibang tao at hindi naman nakakapanakit tulad ni Frankie na gumagawa lang daw ng kanta at ni Miel na umaming queer.

“Si Kakie nga nanahimik gumagawa lang ng kanta ‘yung bata, merong nangyari sa isang platform na nagpi-feature ng mga singers, maraming nag-dislike (kay Kakie) napakarami umabot sa milyon (ipinakita sa video ang Wish 207.5 Bus).

“May isang nag-utos na ‘ipakita natin kay Kakie kung gaano natin siya kamahal.’ Pero actually, it was a political person.  And I will not mention the name because it’s not worth it. So, to me unless may nagawa kang kabutihan you don’t deserve to be named.

“But to do that to a child or a young adult who’s only trying to make a name for herself that was very, very, very mean and babalikan ka, I remember kasi what goes around, comes around,” pahayag ni Sharon.

Sa kabila ng ginawang hindi maganda sa panganay nina Sharon at dating senador Kiko Pangilinan ay nag-top ang kanta nito sa Canada at Australia.

“Ang nangyari, nag-chart ‘yung album ni Frankie sa Canada at Australia and she’s doing a second one now, super talented!

“She is better musician than I am.  Si Miel naman is a very good illustrator, she’s an artist,” kuwento ng proud mama nina Kakie at Miel.

Nasambit din na si Miel daw ang nagdo-drawing ng mga karakter sa libro ni Frankie.

Samantala, abangan ang ikalawang bahagi ng panayam ni Sharon kay Ogie tungkol sa sinasabi nitong “biggest pain” niya kay KC at kung bakit at paano nagsimula ang lahat.

Related chika:

Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

Read more...