Niana Guerrero nominado bilang ‘Favorite Asian Creator’ sa Kids’ Choice Award

Niana Guerrero nominado bilang ‘Favorite Asian Creator’ sa Kids' Choice Award

PHOTO: Instagram/@nianaguerrero

KAHIT sa murang edad pa lang, pinatunayan na ng dancer at social media influencer na si Niana Guerrero na pang-world class ang kanyang talento.

Nominado kasi siya bilang “Favorite Asian Creator” sa Kids’ Choice Award ng American TV channel na Nickelodeon.

Base sa Instagram post ng Nick Asia, ang mga makakalaban ni Niana sa kategorya ay mga talents na mula pa sa Malaysia, Indonesia at Japan.

Para sa kaalaman ng marami, ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards ay isang taunang event na kung saan ay binibigyang pagkilala ang mga bata sa mundo na may malaking kontribusyon pagdating sa television, film, music at sports.

Ang mga mananalo ay nakasalalay sa “fan voting” at ang announcement of winners para sa taong ito ay malalaman na sa March 8.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Niana ang isa sa mga top content creators ng ating bansa.

Mayroon siyang mahigit 37 million followers sa TikTok at 15 million YouTube subscribers.

Hindi ito ang unang beses na na-nominate si Niana sa nasabing international award-giving body.

Dahil noong 2019 ay naging nominado at nanalo sila ng kanyang kapatid na si Ranz bilang “Favorite Pinoy Internet Star.”

Natalo nila riyan ang sina Ella Cruz, Hannah Pangilinan, at Kristel Fulgar.

Related chika:

Lolit Solis sinabing hayaan na lang si Kris sa choice niya: Basta boto tayo, karapatan natin iyan

Read more...