ALIW na aliw ang mga netizens sa kwento ng isang teacher mula sa Laguna na si Pamn Faye Hazel Cabañero dahil pare-parehas ang petsa ng kapanganakan ng kanyang tatlong anak.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya na pare-parehong January 27 isinilang ang kanyang mga chikiting at may age gap na tatlong taon ang mga ito.
“Hindi ko inasahan peri ipinagkaloob. Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 pa ipinapanganak! Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh…” saad ni Pamn.
Ang unang anak niya ay ipinanganak noong 2017, 2020, 2023. Labis naman ang kanyang pasasalamat sa ipinagkaloob sa kanilang pamilya ng Panginoon.
“Saganang salamat po Mahal na Panginoon sa kakaibang pagkakataon na ito!” dagdag pa ni Pamn.
Kalakip ng kanyang post ay ang larawan ng birth certificates ng mga anak.
Hirit naman ng asawa ni Pamn na si Herbert Cabañero, wala raw daya ang birthday ng tatlong bata dahil normal delivery ang mga ito.
“Napaka bihirang mangyari na sa bawat 3 taon nanganganak ang asawa ko s magkakaparehong date at take note normal delivery po iyan lahat kaya walang daya..hehehe,” sey nito.
Kapag kasi ceasarian section o CS ay may laya ang mga magulang na mamili kung anong schedule na gusto ng mga ito.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post ni Pamn.
“Dapat pala ganito para para isang handaan na lang,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Yan talaga yung tinatawag na family planning.”
“Ang astig tipid sa handaan hehehehe,” hirit naman ng isa.
Related Chika:
Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS
Sharon pinipilit si Kiko na magpakulay ng buhok: Hindi ko matatanggap na katabi ko lolo…
Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!
Andrew E, Janno, Dennis keribels na nga bang magmana sa trono nina Tito, Vic & Joey?