Tyson Venegas pinabilib ang judges ng ‘American Idol’, nasungkit ang platinum ticket

Tyson Venegas pinabilib ang judges ng 'American Idol', nasungkit ang platinum ticket

USAP-USAPAN ngayon si Tyson Venegas matapos nitong mapahanga ang judges ng “American Idol” na sina Katy Perry, Lionel Richie, at Luke Bryan.

Agad ngang nag-viral ang 17-anyos na binata matapos nitong kantahin ang piyesang “New York State of Mind” ni Billy Joel na kinabiliban dahil sa mahusay nitong falsetto at voice curling techniques.

Talagang napa-wow si Tyson ng mga hurado dahilan para makamit niya ang kauna-unahang platinum ticket sa Las Vegas sa naturang audition ng singing competition.

Bago pa man ang kanyang viral audition video sa “American Idol” ay sumali na pala noong ang Filipino-canadian singer sa “The Voice Kids” kung saan napaikot niya ang mga “The Voice” coaches na sina Lea Salonga, Apl. De. Ap, at Sarah Geronimo nang awitin niya ang “A Change Is Gonna Come” ni Sam Cooke at ang Black Eyed Peas member ang napili nitong coach.

Bagamat pasok si Tyson ay hindi na ito nagpatuloy sa laban dahil sa COVID-19 restrictions.

Matapos nga abg kanyang performance ay si Lionel ang unang kumausap sa binata.

Ipinatawag pa nga nito ang kanyang ina upang pabirong i-verify kung totoong anak niya si Tyson.

“He’s claiming to be 17-years-old, but he’s performing like a 45-year-old,” sey ni Lionel.

Pag-amin naman ng ina ni Tyson, isa ang huradong si Lionel Richie sa mga naging inspirasyon ng binata sa kanyang pagkanta.

“One of his very first concerts was Lionel Richie. And he was inspired by you and that’s when he learnt how to sing from his heart and tell stories,” pagbabahagi ng kanyang ina.

“We’ve flipped the switch now. I inspired him back then, he just inspired us today. Let me tell you, that performance was spot-on professional,” pagpuri ni Lionel kay Tyson.

Saad naman ni Katy, ““You sang notes and runs that I haven’t felt in my body in a long time, and I felt so connected, I feel so alive.”

“You are exactly what we look for, what we pray for,” sey naman ni Luke.

Matapos ang mga komento ay sinabihan nila si Tyson na kunin ang nag-iisang platinum ticket.

Matapos makabalik sa stage ay sabay-sabay na sinabi ng mga hurado ang katagang “You’re going to Hollywood”.

Labis naman ang sayang nadarama ni Tyson matapos masungkit ang platinum ticket

“This is a dream come true! Thank you so much @americanidol for this opportunity! I still can’t believe it!” saad niya sa sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, February 22.

Related Chika:
Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa ‘Idol Philippines’, binigyan ng platinum ticket

Kim Domingo binatikos dahil sa pagbili ng ticket para sa fan meeting ni Cha Eun Woo

‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Lalaking nanalo ng P20k sa ‘Laklak Challenge’ namatay, paalala ng otoridad: ‘Drink slowly and moderately’

Read more...