HABANG tumatagal ay parami nang parami ang bumabatikos sa malaswang music video ni Toni Fowler at kabilang na rin dito si Rendon Labador.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng social media personality ang kanyang pagkadismaya sa trending “MPL” music video.
“Nakakadismaya yang ginawa ni Toni. Okay lang sana kung ang mga content creator ay gagawa ng content para babuyin ang sarili nila. Ang hindi pwedeng tanggapin ay magbigay ng message sa socmed na babuyin ang moralidad ng kababaihan,” saad ni Rendon.
Dagdag pa niya, “NAAWA AKO SA ANAK NIYA, Kung [hindi] mo kaya i respeto ang sarili mo.. sana i respeto mo yung future ng anak mo.”
Pakiusap pa ni Rendon, dapat raw ay i-ban ang mga ganitong klase ng video at kung maaari ay kasuhan ang mga content creators na naglalabas ng ganitong klaseng content.
“Paki ban ang video na ito at kung maari kasuhan ang mga ganitong klaseng content creators o kung sino man ang nag produce.
“Ito ay direktang pag wawalanghiya na sa moralidad ng mga kababaihan. Hindi na ito tama!” sey pa ni Rendon.
Aniya, personal raw niyang kakilala si Toni pero kahit na ganoon ay hindi niya ito-tolerate ang mga maling gawi nito.
“Kilala ko si Toni personal. Pero kapag nag kamali ka, itatama kita! Walang tropa tropa saakin.. PAMILYA ko nga iniwan ko eh, TROPA pa kaya?” banat pa ni Rendon.
Anyway, maging ang Movie and Television Review and Classification Board ay naglabas na rin ng pahayag hinggil sa kontrobersyal na music video ni Toni Fowler.
“We also would like to remind the public that they may use the report/flag option on Youtube and other online platforms to flag or report content they deem inappropriate or offensive to their sensitivities.
“We are working on proposed amendments to our charter that is both fair to the creative industry and mindful of the needs of the Filipino viewing public,” bahagi ng pahayag nito.
Bukas naman ang BANDERA para sa kampo ni Toni Fowler hinggil sa kontrobersiyang kinakaharap.
Related Chika:
Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma
Toni Fowler sa mga nagagalit sa ‘MPL’ music video niya: Kung ayaw niyo ‘wag n’yong panoorin
Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!