Liza Soberano burado ang lahat ng pictures sa IG, anyare?

Liza Soberano burado ang lahat ng pictures sa IG, anyare?
USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Liza Soberano matapos mapansin ng netizens na wala ba ang mga posts nito sa Instagram

Nitong Lunes ng gabi, kumalat ang screenshot ng account ng dalaga kung saan makikita wala na ang mga dating posts maging ang profile nito.

Bukod pa rito, naging 0 na ang following ni Liza ngunit nananatili namang 17.6 million pa rin ang kanyang followers.

Espekulasyon ng mga netizens at tagasuporta ng aktres, na-hack ang kanyang account.

Bukod kasi sa kanyang Instagram ay napansin rin ng mga ito na nawala ang mga vlogs ni Liza sa kanyang YouTube channel.

Meanwhile, marami naman sa mga tagasuporta sa Twitter ang nagdarasal na sana ay ma-recover ng dalaga ang kanyang mga social media accounts.

apparently, miss Liza Soberano’s Instagram account was hacked. i hope the team is working and they can recover it : (( whoever did this, you deserve to rot miserably. and i meant no jail, but hell,” saad ng isang fan.

Dagdag pa ng isa, “OMG! Liza Soberano’s instagram account was hacked. I hope they recover it and all her previous posts.”

Wala pa namang pahayag ang aktres patungkol sa isyu.

Matatandaang ang huling chika patungkol kay Liza ay ang selebrasyon ng kaarawan nito last month at ang kanyang desisyon na manirahan sa Los Angeles, California para i-pursue ang kanyang Hollywood dream.

Ito ay inamin niya sa naging interview niya sa vlog ni Patrick Starr, isang Filipino-American beauty brand owner na naka-base sa America.

“Yeah, like, I’ve never officially announced that I’m moving to L.A. That’s just because it is much easier to build my career if I am out here [in Los Angeles] because they are always, constantly, looking for, like, in-person meetings,” lahad ni Liza.

Dagdag pa niya, “I really wanna become an actress, a world-class actress.”

Related Chika:
Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Read more...