Panawagan ni Robin na i-ban sa Pinas ang ‘Plane’ ni Gerard Butler kinontra ng mga direktor
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Perci Intalan, Gerard Butler at Robin Padilla
NAG-VIRAL kamakailan ang kahilingan ni Sen. Robinhood Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na ipatigil ang pagpapalabas ng pelikulang “Plane” na pinagbibidahan ni Gerard Butler.
May mga eksena kasi sa pelikula nagpapakita ng masamang image ng Pilipinas. Dumaan na ito sa kamay ng MTRCB at nabigyan ng Parental Guidance o PG rating.
Ito rin ang paniniwala ng mga senador na sina Ronald “Bato” dela Rosa at Juan Miguel Zubiri kaya tatlo silang senador kasama si Robin na umaalma rito.
Pero hindi nakuha ng tatlong senador ang samahan ng Directors Guild of the Philippines Inc. (DGPI) dahil para sa kanila ay dapat itong ipagpatuloy dahil dumaan naman ito sa MTRCB at sila ang makakakita kung may paglabag ba ito.
Ipinost ni IdeaFirst President at CEO, Perci Intalan sa kanyang Facebook page ang official statement ng DGPI tungkol sa pelikulang “Plane.”
Ang mga pumirma ay sina Mark Meily (President) at ang mga board members na sina Carlos Siguion-Reyna, Perci Intalan, Ed Lejano, Marlon Rivera, Roni Bertubin, Keith Sicat, at Remton Siega Zuasola.
Narito ang official statement ng nasabing organisasyon ng mga direktor.
“A proposed ban on the public exhibition of the film ‘Plane’ has been making the rounds of the news cycle.
“The Directors Guild of the Philippines Inc. (DGPI) opposes moves to stop the showing of this movie, as we believe agency and free choice must remain with the public, rather than imposed by politicians.
“To outrightly ban the film, especially one already approved by the MTRCB, is a cure much worse than the illness itself, injurious to free expression and sets a precedent for films to be hostage by imagined slights to our country’s reputation.
“If the state can tolerate free expression for trolls, fake news and historical revisionism without worrying about their effect on the country’s prestige, then the state can do the same for a work that members of the foreign press have regarded as mindless B-movie entertainment rather than a reliable commentary on our country’s affairs.
“We support allowing the film to screen, informing the public of any problematic claims it makes, inviting open debate, or simply ignoring the film altogether. But we stand against censorship or banning the exhibition of this film from screening.”
Bukas ang BANDERA sa panig ng tatlong senador tungkol sa isyu.
* * *
Maghahatid ng kilig at good vibes sina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson sa inaabangang iWantTFC original series na “Teen Clash,” na mapapanood nang libre simula Marso 17.
Ang “Teen Clash” ay isang adaptation ng patok na Wattpad story ni Ilyn Anne Danganan na tungkol sa komplikadong buhay ng mga teenager na gustong maabot ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal para sa musika sa kabila ng kani-kanilang mga kalokohan sa buhay.
Mapapanood sa serye si Jayda bilang si Zoe, isang dalagang nangangarap maging kilalang musician kahit na nasangkot siya sa kontrobersyal na eskandalo noon. Sa kanyang kagustuhang magmove-on mula sa kahihiyan at patunayan ang kanyang sarili, magiging target niya ang pagsali sa music jam competition ng kanyang eskwelahan.
Dito niya makikilala ang naggagwapuhang songwriter na si Ice (Aljon). Si Ice ang tutulong kay Zoe na mahasa ang kanyang talento sa musika at maaari ring mauwi sa pag-iibigan ang unti-unti nilang pagiging malapit.
Magiging kalaban naman ni Ice sa puso ni Zoe si Jude (Markus), ang dating singing partner ni Zoe na ngayon ay isang sikat na heartthrob at singer na.
Sa pagpasok ni Zoe sa kolehiyo, magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan at bandmates na sina Yannie (Bianca de Vera), isang dalagang hirap na hirap magmove-on sa ex niyang si Xander (Zach Castañeda); Ayumi (Gail Banawis), ang matalinong nakikipagkompetensya kay Ken (Ralph Malibunas) para sa top honors; ang kaibigan niyang maiipit sa love triangle na si Sab (Fana); at si Mandy (Andrea Abaya), ang campus darling na crush ng bayan.
Nasa barkada naman ni Ice sina Xander, ang certified playboy; Ken, ang matalinong drummer boy; si Josh (Kobie Brown) na patay na patay kay Mandy; at si Lloyd (Luke Alford), ang best friend at co-worker ni Ice.
Paano magkakasundo sina Zoe, Ice, Jude, at ang kanilang mga barkada kapag hinarap na nila ang mga totoong isyu tungkol sa pag–ibig, ambisyon, at pagkakaibigan?
Ang “Teen Clash” ay idinirek ni Gino Santos at ipinrodyus ng iWantTFC at Black Sheep. Mapapanood ito nang libre sa Pilipinas simula Marso 17 sa iWantTFC app. May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 8 p.m..