LPA, Hanging Amihan magpapaulan sa Luzon – PAGASA 

Balita featured image

NASA bahagi na ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

“Sa kasalukuyan nga, itong Low Pressure Area na ating binabantayan ay huling namataan sa layong 195 kilometers hilaga ng Legazpi City,” sey sa isang press briefing ngayong February 20.

Paliwanag pa ni Weather Specialist Veronica Torres, “ Ito Low Pressure Area na ito, hindi natin tinatanggal ‘yung posibilidad na maging isang ganap na bagyo.”

Nilinaw din ng PAGASA na hindi lang naman ang LPA ang nagpapaulan sa ating bansa, may epekto rin daw ang dalawang weather system sa bansa – ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan at Shearline.

“Itong Low Pressure Area na ito at Shearline, ito ang magdadala ng mga ulan dito sa silangang bahagi ng Luzon,” saad ni Torres.

Aniya, “Samantala, itong Northeast Monsoon naman ay patuloy na nakakaapekto dito sa may Luzon area.”

Dahil sa LPA, asahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon, gayundin sa Metro Manila.

Uulanin din ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa Hanging Amihan.

Samanta, nakataas pa rin ang “Gale Warning” o babala ng matataas na alon sa ilang babaying-dagat sa Luzon.

Ang ibig sabihin niyan, delikadong pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na bangka.

Narito ang kumpletong listahan:

 

Read more:

Vice Mayor ng Aparri, 5 iba pa patay sa ambush sa Nueva Vizcaya

Read more...