33 films maglalaban-laban para sa Top 8 ng Summer MMFF, ibabandera na sa Feb. 24

33 films maglalaban-laban para sa Top 8 ng Summer MMFF, ibabandera na sa Feb. 24

HINDI na lang tuwing Pasko aabangan ang Metro Manila Film Festival o MMFF!

Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na rin ito ng “Summer Edition” na mangyayari sa Abril.

Sa inilabas na pahayag ng MMFF, inanunsyo nila na umabot na sa 33 ang mga pelikulang nagpasa para sa film festival.

Mahigit dalawampu ay mga bagong entries, habang nasa sampu naman ang umulit ng kanilang pinasa.

Ngunit ayon sa MMFF, walong pelikula lamang ang kanilang pipiliin para sa “official entries” na malalaman sa February 24.

Proud namang inihayag ng MMFF Chairman na si Romando Artes na bumalik na sa sigla ang industriya ng mga pelikula at excited na raw sila sa magiging tagumpay ng upcoming event.

“With the record-breaking number of films that have been submitted to us, we can say that our local movie industry is back in their game and is starting to create more quality films again for us to enjoy in the first-ever Summer MMFF,” saad ni Artes sa isang official statement.

Patuloy niya, “The MMDA and the film industry are both excited and looking forward to the success of the summer film fest which is another avenue to showcase local talent in making world-class Filipino films.”

Aniya, “The MMFF’s victory is the victory of the whole Philippine film industry.”

Ang “Parade of Stars” o parada ng mga bituin ay magaganap sa April 1.

Mapapanood naman ang “official entries” sa mga lokal na sinehan simula April 8 hanggang 18.

Ang Awards Night naman nito ay magaganap sa April 11.

Read more...