Vin Abrenica nasaktan din sa hiwalayang Aljur at Kylie: ‘OMG! Kung anuman ang nangyari sa kanila…I got so affected’

Vin Abrenica nasaktan din sa hiwalayang Aljur at Kylie: 'OMG! Kung anuman ang nangyari sa kanila...I got so affected'

Vin Abrenica, Kylie Padilla at Aljur Abrenica

KAHIT naghiwalay na ang kapatid niyang si Aljur Abrenica at ang estranged wife nitong si Kylie Padilla, nananatili pa rin ang closeness ni Vin Abrenica at ng aktres.

Super affected din ang Kapuso actor sa hiwalayan noon ng kanyang kuya at ni Kylie ngunit siniguro nito na patuloy pa rin ang magandang samahan nila bilang magkaibigan.

Magkasama kasi ngayon sina Vin at Kylie sa upcoming primetime series ng GMA 7, ang “Mga Lihim Ni Urduja” na siyang papalit sa magtatapos nang “Maria Clara at Ibarra.”

Sa panayam kay Vin ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung nagkakailangan ba sila ni Kylie, lalo pa’t magkatrabaho nga sila ngayon sa naturang Kapuso action-fantasy series.


“No,” mabilis na tugon ni Vin. Patuloy pa niya, “Isi-share ko lang, para you get a glimpse of how me and Kylie, our relationship is. We bring our children sa mall to play as a date. We go out like that.”

“And also Kylie noon, noong nakatira ako kay kuya and Kylie was always on my brother’s place, lagi silang nandoon. Somehow tumira rin kami together ni Kylie in one house,” pagbabahagi pa ng mister ni Sophie Albert.

Kasunod nito, sinabi nga ng aktor na naapektuhan din siya nang maghiwalay sina Kylie at Aljur noong 2021 dahil hindi rin niya inasahan na sa wala rin mauuwi ang relasyon ng mga ito.

“Imagine niyo na lang, we’re super close (ni Kylie). So kung anuman ang nangyayari…oh my God! Kung anuman ang nangyayari sa kanila I got so hurt with that. I got so affected.

“But kung anuman ang nangyayari sa kanila, wala kaming ilangan ni Kylie. We’re close,” sey pa ni Vin.

Sa isang panayam, nabanggit din ni Kylie na okay na okay sila ni Vin sa kabila ng paghihiwalay nila ng kuya nitong si Aljur, “Masaya. I mean it’s a good way din to, ‘di ba?

“Get all the things behind us. I mean, hindi naman ‘yun makakaapekto sa trabaho,” sey ng Kapuso aktres.

Samantala, very proud naman sina Kylie at Vin na nakasama sila sa “Mga Lihim Ni Urduja” kung saan makakasama rin nila sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Zoren Legaspi, Gina Pareño, Michelle Dee at marami pang iba.

Magsisimula na ito sa darating ba February 27, sa GMA Telebabad.

Sharon sa pagiging ‘queer’ ni Miel: ‘Anuman siya tatanggapin ko kasi mas importante sa akin ‘yung matinong tao ang anak ko’

Promise ni Neil ngayong b-day ni Angel: I’ll be beside you all the way, I love you!

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Read more...