DEAR Atty.:
Mayroon po kaming lupang sakahan. Naisanla ng tatay ko nung buhay pa po siya. Ngayon ang sabi ng nanay ko ay kung matutubos ko daw ay magiging akin na daw po iyon. Pwede po ba iyon? Ano po ang gagawin ko para wala nang habol mga kapatid ko. Six po kami, 2 patay. P200K ang pagkakasanla. —Joleto, Catbalogan, Samar, …8411
Dear Joleto:
Kailangang magpirmahan kayong anim na magkakapatid na sila ay pumapayag na kapag inyong natubos sa sanglaan ang lupa ay kayo na ang magiging “sole owner” nito.
Sa batas, ang inyong ina ay “owner” ng “1/2 plus 1/7” ng lupang isinangla. At kayong mga magkakapatid ay 1/7 owner. Ang ibig sabihin nito, ang unang kalahati lamang ang paghahatian ninyo ng nanay mo at kayong anim na magkakapatid. Samakatwid: 1 share ni Nanay plus 6 shares ng mga mga magkakapatid equals 7 shares. Yung pangalawang kahalahati ay solong pag-aari ng nanay ninyo.
Sa ganitong sitwasyon, kung ang share ng nanay ninyo ang ibibigay sa iyo plus ‘yung 1/7 share mo, nasa sa kanya iyon kung ibebenta niya sa iyo ang kanyang share. Ngunit doon sa 5/7 share ng iyong limang kapatid ay kailangang makakuha kayo ng “waiver” mula sa inyong mga kapatid. Yung pinakahuling 1/7 share ay sa inyo. —Atty.
Dear Atty.:
Meron po akong 16 years old na anak na babae. Madalas kaming hindi magkasundo at nitong pinakahuli naming away ay talagang nagbanta na siya na aalis na lamang sa poder ko. Hihiwalay na lang daw siya ng bahay para hindi na kami mag-aaway.
Suportado po siya ng kanyang ama na isang foreigner kaya siguro malakas ang kanyang loob na humiwalay sa akin. Pero menor de edad pa siya, pwede niya bang igiit ang kanyang gusto? Anong pwede kong gawin? Salamat po. —Lynlyn, 38, Quezon City, …2405
Dear Lynlyn:
Ang “age of majority” po ay 18 years old. Kung ang isang bata ay hindi pa umaabot ng 18 years old, siya ay isang menor de edad.
Bilang menor de edad, ang mga magulang niya, tatay at nanay, ang may parental authority sa bata.
Sa iyong salaysay, hindi mo nabanggit kung ikaw ay kasal sa ama ng anak mo.
Kung ikaw ay kasal sa kanyang tatay, nangangahulugan na kapwa kayo merong parental authority sa inyong anak.
Kung ikaw ay hindi kasal, ikaw lamang ang may parental authority. Kung sino ang may parental authority, siya ang masusunod sa buhay ng isangbata hangga’t hindi pa siya umaabot ng 18 years old. —Atty.
May nais ba kayong isangguni kay Atty. Fe? I-text ang BATAS, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.