KASALUKUYANG nasa San Francisco, California si Erickson Raymundo para sa 1st leg ng world tour concert ni Moira Dela Torre kasama si Kyle Echarri na parehong artists ng Cornerstone Entertainment.
Mukhang hindi uso sa concert ni Moira ang hindi ‘sold out’ dahil muli na naman niyang pinatunayan na all seats taken ang Fox Theater Redwood City, California.
Natanong namin though Facebook chat ang presidente at CEO ng Cornerstone tungkol sa magandang movie project ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa GMA actor na si Dingdong Dantes under GMA Films.
Trending kasi ang blog ni Pinoy History na may 1.2M followers sa FB at ayon sa kanya ay nakatakda nang mag-shoot sina Catriona at Dingdong ng pelikulang “What if Jose Rizal Didn’t Die” na entry ng GMA Films ngayong 2023 Metro Manila Film Festival.
Pinost ni Pinoy History ang larawan ni Catriona na naka-Maria Clara outfit with matching umbrella na ni-repost ng dati naming editor na si Dindo Balares kaya namin napansin.
Ang caption ni PH, “Papaano kung ‘di namatay si Jose Rizal?’ Iyan daw ang titulo ng pelikulang pagbibidahan ni Dingdong Dantes, makakasama ni Dantes ang mga batikang aktor ng ating panahon kagaya nila Jean Garcia, Snooky Serna, Sandy Andolong, Hero Angeles at Robert Arevalo with Luis Alandy, Jason Abalos, Ariella Arida, Benjamin Alves, Ynna Assistio at Yayo Aguila.
“Kasama sa pelikula si Catriona Gray-Milby na gagampanan ang karakter ni Josephine Bracken, dito itutuloy ang kwento at isasalarawan ang magiging pamilya ni Jose Rizal at mga kaabang-abang na eksenang hindi pa nagagawa patungkol sa magiging buhay hanggang sa ito’y mamatay sa edad na 101 noong 1962.
“Kwentong tila babaguhin ang buong kasaysayan ng bansa. Magsisimula ang kwento sa Calamba kung saan may isang bata ay nagtanong kay Gloria Romero “Paano Lola kung ‘di namatay si Jose Rizal?” Ang batang ito ay apo ni Gemma Cruz-Araneta, ang apo ni Jose Rizal sa kapatid nitong si Maria Mercado.”
Umabot sa 1,200 shares, 14,000 likes and heart at 531 comments.
Nagulat ang manager ni Catriona sa nasulat na ito ni Pinoy History dahil wala raw siyang alam tungkol dito at natanong din sa office nila at sinabing walang offer o inquiry.
Kaya pati kami ay nagulat na rin dahil detalyado ang pagkakasulat ni PInoy History sa umanong project na ito nina Dingdong at Catriona na maraming na-excite.
Ang komentong nabasa namin ay mula kay @Robin NL na tinag ang creative consultant ng GMA na si Ms Suzette Severo Doctolero na tila nagtatanong kung true ito.
Sumagot na si @MJ Inting kay @Robin NL , “di to totoo.”
Say naman ni @Josefina Junio, “Sana naman po maging makatotohanan ‘yang gagawin ng GMA na movie… typical height ng Pilipino noong panahon ng mga kastila ang maging consideration sa pag gawa ng Pelikula. Huwag naman matangkad. Thank you.”
Opinyon naman ni @Jobi Garbin, “My feeling ako na di ito matutuloy. At sa MMFF talaga kahit wala pang submission of entries. Just for press release!”
May mga nabasa kaming mas pabor sila kung si Dennis Trillo ang gaganap na Jose Rizal dahil mas bagay.
Anyway, kaya namin ito isinulat ay dahil misleading ang informations baka kasi may gustong kumuha ng serbisyo ni Catriona at mabasa ang post na ito ni Pinoy History ay hindi na itutuloy.
Samantala, tinawag na fake news ni Catriona ang nasabing page ni Pinoy History dahil bukod sa hindi siya kasama sa sinasabi nitong project ay tinawag pa siyang Mrs. Milby.
Ang komento ng dating beauty queen, “Grabe naman this page, laging fake news peddler. Wala akong part ng movie na to. Name ko po, Catriona Gray – hindi pa ako married. Kaloka.”
Bukas naman ang BANDERA sa panig ng blogger na si Pinoy History.
Related Chika:
Catriona Gray, Sam Milby engaged na!
Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up
Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang ‘the one’: Pero hindi pa po kami kasal