MUKHANG speechless ang aktres na si Ruffa Gutierrez nang usisain ni Harlene Bautista ang kanyang latest post.
Nitong Valentine’s, ibinandera ng aktres ang kanyang black & white photo habang all smiles at may hawak na mga bulaklak.
“You made me laugh again. Happy Valentine’s Day, everyone,” saad ni Ruffa sa kanyang caption.
Kung sa unang tingin, mukha namang simpleng post lang ito at walang chika ngunit nagbago ang lahat nang mag-iwan ng comment si Harlene Bautista.
“What am i doing there????” komento ni Harlene, kapatid ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Agad namang nag-reply si Ruffa at tinanong si Harlene ng “where???”
Nang ma-gets na niya ang pinupunto ni Harlene ay muli siyang nag-comment sa kanyang post.
“@harlenebau omggggg lol,” dagdag pa ni Ruffa.
Well, kung titignan mong mabuti ay makikita mo sa background ang larawan ng isang baby na marahil ay siya.
Agad namang napagtagpi-tagpi ng netizens ang lahat at tinukso-tukso si Ruffa sa comment section sa kanyang rumored boyfriend na si Herbert Bautista.
“Oh I finally got it LOL. It reminds me of playing with my daughter: ‘eye spy little eye, something…’ Love, love, love,” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Kinilig na naman ang isang Ruffa G. HAHAHAHA happy vday ms. Ruffie!”
Anyways, mukha ngang may nagpapasaya talaga at hindi alone ang peg ni Ruffa noong Valentine’s.
Matagal na ring usap-usapan kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nila ni Herbert ngunit wala namang direktang pag-amin mula sa dalawa.
Kahit na ganoon ay spotted palagi na magkasama ang dalawa sa tuwing may mga espesyal na okasyon gaya na lamang noong Pasko at maging sa mga birthday celebrations.
Kung saan ka masaya, Ruffa, go lang nang go! Deadma sa bashers.
Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!