Belle Mariano ibinandera ang mga pasabog na OOTD ngayong ‘summer season’

Belle Mariano ibinandera ang mga pasabog na OOTD ngayong ‘summer season’

PHOTO: Courtesy Ryan Ong

BUKOD sa kanyang talento sa pag-arte, lumabas na rin ang pagiging “trendy” at “fashionable” ng award-winning actress na si Belle Mariano.

Naglabas kasi siya ng sariling koleksyon ng mga damit na siya mismo ang pumili!

Ito ang kauna-unahang collaboration niya sa global fashion e-retailer na Shein bilang first Pinay brand ambassador.

Nagkaroon pa nga ng launching event ang aktres para maipakita ang mga pasabog niyang OOTD ngayong summer season at tinawag niya pa itong “#SHEINxBelleMariano collection.”

Ayon kay Belle, ang mga dinisenyo niyang damit ay talaga namang sumasailalim sa personal niyang istilo.

Bukod daw sa sa mga “classic pieces” ay mahilig din siyang mag-eksperimento pagdating sa fashion.

Sey niya, “I am in classic pieces but every once in a while I experiment and try on trends, that’s fashion you really have to try things to grow also.”

“I’m not afraid to play with color or cuts every now and then,” aniya.

Nagkwento rin siya na ilang buwan niyang pinagkaabalahang matapos ang kanyang summer collection.

Chika ni Belle, “This is my first capsule collection with Shein that I curated. It took a couple of months to finalize all the pieces.

“Hopefully, we can come up with more collections since everyone is so excited about this current one.”

PHOTOS: Courtesy Shein

And speaking of “outfit of the day” o OOTD, ibinahagi ng award-winning actress kung ano ang pinaka-favorite niyang summer outfit na ginawa.

“My favorite piece is the plaid dress paired with the orange shoes and the corset tops that you can use and reuse in so many ways,” saad niya.

Sa huli ay inamin ni Belle na kahit siya mismo raw ay hindi makapaniwala na may sarili na siyang koleksyon ng mga damit sa isang international brand.

Ayon sa aktres, “It was such an amazing feeling and at first, I couldn’t believe it. Firstly it was because I really use the App because of convenience, secondly, it’s a worldwide brand so I felt honored and kilig.”

Related chika:

Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po!

Read more...