KASALUKUYANG iniimbestigahan ang Korean actress na si Park Min Young ng mga otoridad sa kanilang bansa matapos itong masangkot sa diumano’y embezzlement activities ng kanyang dating dyowa na si Kang Jong-hyun.
Si Kang Jong-hyun ay isang businessman na siyang nagmamay-ari ng pinakamalaking cryptocurrency trading company na Bithumb.
Ayon sa mga reports ng Korean media, inaresto ang ex-boyfriend ni Park Min Young nitong Pebrero dahil sa embezzlement at fraud charges.
Sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa nitong September 2022, inimbitahan pa rin ang Korean actress para kwestyunin kung ano ang kinalaman nito sa mga illegal activities ni Kang dahil nakita ang pangalan niya sa listahan ng mga bank accounts na may substantial convertible bond transactions sa Bithumb.
Dinenay naman ito ng Hook Entertainment, agency ni Park Min Young at sinabing walang kahit na anong involvement sa mga criminal activities ang aktres at ipinatawag siya ng mga prosecutors nitong February 13 upang maging witness. Ito ay base sa nakuhang starement ng Korean entertainment portal na Soompi.
Ayon pa sa kanyang agency, hindi rin totoo na bawal umalis ng bansa ang aktres.
“Park Min Young dutifully completely the prosecution summons for investigation as a simple witness, and we confirm that she is currently not prohibited from leaving the country,” ayon sa inilabas na statement.
Nakilala ang aktres sa mga Korean series nito gaya ng “City Hunter” (2011), “Healer” (2014), “What’s Wrong with Secretary Kim?” (2018), “Her Private Life” (2019), at “Love in Contract” (2022).
Related Chika:
Korean actor Nam Joo Hyuk sasabak na sa military service sa Marso
Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea
Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!
South Korean star Na Chul pumanaw sa edad na 36