SINAGOT na ng TV host-actress na si Dianne Medina ang ilang pambabatikos sa kanya matapos mag-trending ang kanyang entertainment report kamakailan lang.
Kung maaalala noong February 12 ay inulan ng komento ang news report ni Dianne matapos magkamali sa pagbigkas ng salitang “subunit” sa programang “Rise and Shine Pilipinas.”
Ang topic niya riyan ay ‘yung launching ng grupong “MISAMO” na isang Japanese trio group na under ng K-Pop girl group Twice.
Tila nakarating pa nga kay Dianne ang pagiging trending ng kanyang report at agad na ibinahagi ang updated version nito sa kanyang Instagram account.
Caption pa niya, “Japanese line ng Kpop girl group na Twice, magde-debut sa Japan bilang SUB-UNIT!”
Bagamat tama na ang naging pronunciation ni Dianne sa video, napansin pa ng isang netizen na mali ang spelling nito sa caption.
Comment ng netizen, “SUBUNIT naman kasi ang correct word hindi sub-unit.”
Reply naman ng TV host, “yes pero kasi since wala akong alam sa kpop mas ok sana kung nalagyan ng space so na guide ako.”
Patuloy pa niya, “na-assume ko kasi na Japanese word. Although dapat rin as a host nag-search ako and didn’t rely sa prompter anyway at least I know my lesson now.”
Maraming fans naman ang nagpahiwatig ng suporta kay Dianne at sinabing walang perpektong tao para ipagdiinan pa ang isang pagkakamali.
Comment ng isa, “No need to explain. Masyadong perfect ‘yung iba. Still adore you.”
Saad naman ng isang fan, “nobody’s perfect, its okay u still do your best [red heart emoji].”
Sabi ng isa pang netizen, “Di mo naman ‘yun kasalanan wala sigurong gitling kaya Subunit ang basa mo. Still galing mag report.”
Maaalala na una nang sinagot ng TV host ang ilang nag-komento at sinabi pa niya na hindi raw niya kinahihiya ang kanyang pagkakamali.
“Never ko tinake na kahihiyan ‘coz I know God allowed this to happen so I will learn from this mistake. Unless ikaw perfect ka siguro, ako kasi hindi kaya okay lang magkamali,” giit niya.
Related chika:
Dianne Medina nag-trending dahil sa ‘subunit’ video, inulit ang entertainment report