BABAENG-BABAE sa kilos, pananalita at itsura ang dating sikat na female personality na may asawang negosyante.
Masasabi ring sikat ang dyowa niyang businessman dahil sa uri ng negosyo nito at higit sa lahat kilala rin ang pangalan niya sa kinabibilangang industriya.
Nakuwento ng aming source na ang alaga niyang modelo ay laging tinatawagan nitong dating sikat na female personality at tinatanong kung ano ang pinagkakaabalahan at kung may time ay lumabas naman daw sila.
Okay naman sa modelo ang imbitasyon lalo’t kilala naman ang female personality kaya’t pinaunlakan niya ito hanggang sa nag-dinner sila sa isang sosyal na restaurant.
“Dumating si ____ (dating sikat na female personality) na naka-denims at polo with matching boots. Ang astig nga ng dating kasi kasama ako pero umalis din ako kasi baka may pag-uusapan sila, kasama ko ang kaibigan ko,” say ng aming source.
After two hours daw ay nagme-message na ang modelo at nagpapasundo na sa kanyang manager kasi feeling uncomfortable na raw siya.
“Ang daming personal questions daw itong si ____ (female personality) so medyo hindi feel nitong alaga ko so few minutes after mag-message saka kami dumating at ‘yun nga nagtatawanan naman sila with matching wine, so isip ko anong uncomfortable, e, okay naman kaya umalis na lang kami ulit.
“After an hour hayun puntahan ko na raw at inabutan ko nagpapaalamanan na at sabi labas daw ulit sila. Umoo naman tong si ___ (modelo) na eme-eme lang pala.
“Tinanong ko ano ‘yung sinasabi niyang naiilang siya. Marami raw kuwento about her married life okay naman daw tapos tinanong kung okay kay ____ (modelo) na labas sila ulit, out of town silang dalawa lang.
“Nakakaramdam na tong alaga ko kung ano ang pino-point ni ____ (female personality) pero ang hindi niya ma-gets ay may asawa at masaya naman sila.
“Sabi sa akin, ‘tito, she looks happy naman the way she makes kuwento about her husband, pero bakit parang may in-imply siya na gusto niya ako, nailang ako.’
“Bigla ko tuloy tinawagan ‘yung common friends namin at tinanong ko kung sila pa ba ng husband niya, oo naman daw at okay na okay sila.
“Feeling ko bored sa buhay itong si ____ (female personality) kasi busy asawa niya sa negosyo, pero nakikita ko naman sa social media nila na magkasama sila lagi,” mahabang kuwento ng aming source.
May kasabihan nga na hindi lahat ng nakikitang posts na masaya sa social media ay totoo, may kuwento sa likod ng mga malalakas na tawa at magagandang ngiti.
Anyway, si female personality ay malakas ang personalidad at dati ring modelo na nakilala sa ibang bansa. Si modelo ay nangangarap palang makilala sa ibang bansa pero sikat na rin siya dito sa Pilipinas.
Hmmm, baka naman type lang ni female personality na turuan o bigyan ng tips ang modelo para sumikat at mapansin sa ibang bansa tulad niya.
Related chika:
Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?