IBINANDERA ng aktor na si Joseph Marco ang kanyang magandang katawan para sa isang underwear endorsement nitong Martes, February 14.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang larawan na talagang ikinaloka ng madlang pipol.
“I decided this year to get out of my comfort zone, so for the first time I’m sharing with you my very first underwear endorsement! Grateful to be part of this family!” saad ni Joseph sa kanyang caption.
RELATED: Joseph Marco first time mag-endorse ng underwear, pinangarap na ma-billboard
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang pa’bakat’ ng aktor at kabilang na nga rito ang beteranang aktres na si Rosanna Roces.
“Dyusko tanghaling tapat may pabakat si mayor! nagkakasala ako nito!” pilyang komento ni Osang.
Tawang-tawa naman ang mga netizens sa aktres at may reply pa itong “zoom mo” sa isang netizen na nag-comment rin sa post ni Joseph.
Maging sina Joross Gamboa at Albie Casiño ay hindi napigilang mag-comment.
“Tabi tabi po… Nuno sa Punso!” havey na sabi ni Joross kay Joseph.
Hirit naman ni Albie, “Entry of the year candidate right here!”
At nang bisitahin muli namin ang post ni Joseph ay nakita namin ang recent comments ni Rosanna.
“Andito ulet ako wahahahahahaha,” sey ni Osang.
Dagdag pa niya, “@josephmarco andami ko na iniisip ha!!! Dumagdag ka pa!!”
Well mukha namang pak na pak at na-endorse talaga nang maigi ni Joseph ang brand dahil nag-trending ang larawan ng aktor at marami ang nagkomento rito.
Related Chika:
Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life
Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi